Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

03 August 2016

Tirada Ni SlickMaster: SONA 2016

08/03/201 610:40:30 PM

Screenshot from 2016 SONA TV Coverage (obtained via Rappler)
Bagong simula, ika nga, ang pagsumpa nun ni Rodrigo Duterte para maging ika-16 na pangulo ng Republika ng Pilipinas. At wala pang isang buwan mula rito ay may mga nagawa na ang administrasyong ito bago pa man humarapa ng dating alkalde ng Davao City para sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) nitong nakaraang Lunes. 

Mabuti nga lang ay hindi na ito napasawan ng mga samu't saring mga fashionista na dumadalo kada taon dun. Hindi ko tuloy alam kung talagang nakafocus sila sa mga iniuulat ng pangulo nun o pinapansin lamang ang mga suot nila. Okay sana, walang masama kung ang mga gawa ng ating mga fashion designer ang gumawa ng barong, gown, pantalon, at kung anu-ano pang mga aparel nila. Pero yung iba dyan kasi mukha nang papansin sa camera eh, mga sikat naman.

Siya, dun na nga tayo sa talumpati ni Pangulong Digong, na inabot ng mahigit isa't kalahating oras, halos triple sa nakatakdang 38 minuto ng pagsasalita sa entablado kaharap ang mga kasapi ng pamahalaan. At partida ha, umaariba ang mga mala-indie film na mga anggulo ni Direk Brillante Mendoza, mga bagay na hindi kailanman maiintindihan ng mga karaniwang nilalang (bagamat sa totoo lang, may mga magaganda at mga sablay na kuha).

Sa totoo lang, nagmukha lang siyang isang engrandeng press conference eh. Sabagay, yun rin naman ang natural na motibo kung bakit may state of the nation address. Yun nga lang, andun nakapaloob ang mga binitawan niya noong nangangampanya pa lamang siya. Oo, mula sa pagtatauo ng 911 at 8888 hanggang sa walang-pakundangang digmaan kontra krimen at korapsyon, hanggang sa proposal sa transportasyon, serbisyo, rehabilitasyon, proseso ng usaping pangkapayapaan, at iba pa. 

Sa sobrang dami nga ng mga tinalakay niya, para ka nang nakabuo ng alpabeto ng listahan. Sa kabilang banda, malilito ka nga lang kung ano talaga ang pinaparating ng presidente.

Pero sabagay, isang buwan pa lang naman siyang nakaupo. At bagamat marami naman ang mga nagbago, again, nagsisimula pa lamang ang administrasyong ito. Bigyan muna natin ng benefit of the doubt 'to. Bigyan ng pagkakataon na gumawa pa ng ibang simula at pagbabago. Malay mo naman, magwork, di ba?

Yun nga lang, maraming kailangang matutunan sa pag-direct ng malakihang live event si Direk. Bagamat okay sa olrayt ako sa mga worm's eye view na kuha niya, may ilan kasi na hindi akma eh. Isa pa: masayadong maraming ad lib si Kuya Diging natin, Ayos sana, mykha siyang natural talaga. Nagpapatawa pa nga na may halong pahapyaw sa pulitika. Pero kahit gusto namin makinig, hindi ibig sabihin nun na sobra namang ipo-prolong ang mga usapan. 

Pero ayos na ayos sa akin ang SONA na ito. Sa kabutihang palad nga, bagamat may mga kilos-protesta ay hindi naman nauwi sa karahasan ang mga bagay-bagay. Maayos pa rin. Walang mga effigy. Tama yan, sa halip na gumawa ng ganyan, ilaan na lamang natin mga pera natin sa mga mas may kabuluhang bagay. Besides, sige kayo, lagot kayo kay Gina Lopez dahil polusyon yan.

Bagamat isang bagay talaga ang tahasan kong hindi sinasang-ayunan, yan ay ang paghihiwalay ng simbahan at estado. Bagamat siguro ang punto rito ay ang paggawa ng tama, hindi lang para sa kapakanan ng bayan, kundi sa mata ng rin ng Dakilang Mayliha.  

Yun lang. Tama na ang sisihan. Nasa bagong adminstrasyon na tayo eh. Matuto naman tayo magmove-on.

REFERENCES:

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!