09/05/2016 03:57:52 PM
Hindi ko pa narinig na lumaban si G-Clown (siguro kailangan ko munang magbalik-tanaw ulit dahil matagl-tagal rin mula noong nanood ako ng mga rap battle sa YouTube), pero sobrang ayos ng ginawa niya sa laban na 'to ni Loonie.
Bagamat nanalo talaga para sa akin yung hari ng tugma.
Actually, yung Round 1, sa kanya yun. Kahit ang tindi (as usual) ng simula ni Loonie, hindi makakaila na nakapagpa-neutralize sa comedic bars niya yung mga real talk bars ni G-Clown. Mas mabigat ang binitawan. Hindi naman tinaob pero, naungusan eh.
Round 2, pantay lang. Halos same as round 1 pero mas mukhang nag-adjust si Loonie sa puntong ito. Mukhang literal na bumawi.
Round 3, kay Loonie. At kung babasahin niyo 'to, baka malamang magtaka kung bakit si Loonie nanalo in the end rin para sa akin. Well, kung papanoorin niyo, may ginawa ring pagbabago ulit si Loonie laban sa kalaban niya. Habang si G-Clown, nananatiling consistent sa akma at nilalaman. Mas nanaig yung creativity at kalaliman ni Loonie sa puntong yun. Yan literal na tinaob ang mga nangyari.
Pero nakakahangang laban pa rin. Tangina, props kay G-Clown.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!