Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

19 September 2016

Bayan o Sarili?

09/15/2016 03:09:44 PM

Isang linggo na matapos ang Araw ng mga Bayani, at isang taon mula noong ipalabas ang isang pelikula na nagbago sa kamalayan ng marami, isa ang tanong na ito na pumatok sa popular na kultura: Bayan o Sarili? 

Sa panahon na mas marami pang mga naglulupasay sa kababawan ng mga rehash na teleserye, na nababagot sa sandamukal na hugot sa Twitter at Facebook, ito ang tanong.

Bayan o Sarili?

Sa mga nagrereklamo kung bakit walang umiiral na batas sa Pilipinas pero pag sinampolan ng ticket dahi sa overspeeding, nagngangawa't nagmamakaawa? 

Sa panahon na mas tila nakikipag-patayan na ang mga tao sa isa't isa sa cyberspace dahil sa sariling kayabangan; sa kung sino ang tama; sa kung kaninong tao at grupo sila loyal kesa sa pag-aruga sa bayang sinilangan. Ito ang tanong: Bayan o Sarili?

At totoo nga ba kayo para sa inyong mga sarili?

Hindi ko alam kung nasobrahan kayo sa pagpapakatotoo o na-tattoo-an na yang utak niyo ng kung anu-anong logo ng mga pulitiko na yan. Ayos 'di ba? Dahil sa ganyan, tiila yinuyurakan ang Pilipinas, hindi lamang ng mga bwakananginang mga pinuno ng mga oligarkiya, kundi ng mga taong pinili ang maging tagasunod nito.

At prangkahan tayo: ito ang sakit ng marami sa atin ngayon. Isa ito sa mag dahilan kung bakit hindi umuunlad ang Republika ng Pilipinas. Halos bawat sinong nilalang, may dakilang madilim na paglilihim – ang pagnanais para sa sariling kapakanan kesa sa bayang sinilangan. Hindi ba siya obvious kung napanood mo ang Heneral Luna? Hindi rin ba siya halata sa pagbabasa ng mga libro sa kasaysayan, at panunood ng mga pelikulang may kinalaman sa mga personalidad noong panahon ng matinding pakikibaka at digmaan para sa kasarinlan

At hindi ba sila halata sa pag-oobserba ng mga taong kung tawagin ay political angal-yst? Na halatang may pinapanigang mga politoko o mga partido? At sa kada panahong dumaraan ay dinaig nila ang mga kommentarista sa media na AC/DC? In short, bayaran?

Oo. Ano ba talaga pinagpipilian niyo, bayan o sarili?



Sa totoo lang, kung sinuman ang gumawa ng graphic na ito, tamang-tama ka. Kung tutuusin, dapat nga ay isaulo na to ng mga siraulo mula pa noong panahon ng pagpili ng boto eh. Noong panahon na nililigawan ka pa lang nga mga wannabe-pangulo, pangalawang pangulo, senador, congressman, mayor, vice-mayor, governor, vice-governor, at kung sinu-sino pa.

Oo, kung tunay nga kayong makabayan; kung tunay nga na may nalasakit kayo sa bansang Pilipinas, kingina, umayos nga kayo. Tigil-tigilan na ang pagiging retarded na fanboy. Aanhin mo ang pagbabago kung panay reklamo ka pa rin? At lalong aanhin mo ang pag-unlad kung batikos na nga ang inaatupag mo, sumusuway ka pa sa mga simpleng alintuntunin ng paligid mo?

Punyeta. Umayos nga kayo. Tigil-tigilan na ang pag-aaway sa kanila. Pustahan: Pagtatawanan lang kayo ng magkabilang kampo na yan. Para kayo yung kampo na laging nambabash na scripted ang wrestling pero tinatangkilik pa rin naman.


Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!