Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

22 September 2016

Finger-licking Headline

09/22/2016 02:08:19 AM 

Nakakaloka rin ang headline na ito kahapon no? 

Photo credits: Diego Bandido
Alam ko; ang pinupunto rito ay ang pag-turo ng mga daliri ng mga taong sinasabing mga witness sa imbestigasyon ng diumano'y mga kinalaman niya sa talamak na bentahan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Alam rin namin na ayon sa kanila, may kinalaman ito sa naging kampanya ng naturang senador (na dating kalihim ng Department of Justice) noong nakaraang halalan. 

Pero tangina naman, lakas maka-marketing strategy rin ng headline no? Sabagay, pampa-attract nga kasi ng mga tao. Sex sells eh. At ang finger o daliri ay isa sa mga termino na madalas gamitin sa ganung larangan. Pustahan: na-curious ka bigla? I-Google mo na lang yan. 

At pag may controversial na headline, suguraduhin na ganun din ang content. Buti nga nag-deliver ang Manila Standard to their title eh. Yun nga lang, mukha pa ring link-bait kung sa internet ka babasehan. Nagtaka pa tayo, eh siyempre, talamak kaya ang ganyan no matter kung gaano pa ka-grabe i-deny yan ng mga madla sa media. 

At siyempre, 9 times out of 10 ay ide-defend nila yan. May butas sa ganyan, sasabihing wala naman kaming nilabag ah – kahit kung usapang moralidad lang ay sasabihin pa ring meron. Baka sabihan ka pa kamo na ang bastos ay nassa kaisipan lamang. Sarado raw kasi utak mo eh. 

They could get away with that? Bakit, kasi media sila eh. Kaya nga hindi sila kontrolado ng alinmang may kinalaman sa pamahalaan, 'di ba? Maliban na lamang siguro kung biglang mag-react ang nasa gobyerno at gumawa ng drastic actions rito. 

Kaya nga may kasabihan eh. “Don't mess with the media.” Lalo na sa mga manunulat nito, kahit sa headline lang. Dahil kaya ka nilang ibenta sa balita sa pamamaraan na either maari o sa nais nila perro hindi kaaya-aya. 

At kung sakali man na usapang sisihan 'to, o imbestigasyon, na may kinalaman sa drayber mo na dati mo rin palang jowa, na sinamahan pa ng kontrobersiya sa krusada mo laban sa extra-judicial killings at mga conspriacy theory ng mga kalaban mo sa pulitika, ay good luck na lang. Pustahan: kung sa ibang tao rin na kagaya ni Sen. Leila De Lima nangyari ito, mapi-finger din sila.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!