09/03/2016 08:58:11 PM
Photo credits: SunstarAce June Rell S. Perez/Sunstar Davao |
Nakalulungkot na balita. Mukhang hudyat na naman ito ng isang malalang siklo sa kasalukyang takbo ng kamalayan nating mga Pilipino.
At sinong hindi mabahahala? Sinong hindi mababadtrip, lalo na sa balita na bumawi sa 10 buhay at namerwisyo ng higit pa – buhay man ng tao at kabuhayan rin ng ilan – sa Roxas market sa lungsod ng Davao kagabi?
Maliban sa mga matinding danyos, mas malala pa ang palitan ng kuro-kuro (teka, kuro-kuro nga ba, o insultuhan na rin ang mga nagaganap eh) ng mga tao mula sa kaliwa't kanang mundo ng Facebook at Twitter.
At kahit hindi ko ganap na punahin ang samu't saring mga pasaring at hinala na may halong kulay ng pulitika at ultimong relihiyon, putangina naman, tigilan niyo nga ang kaguluhang yan, ano po? Nagkakandamatay na nga ang ilan sa mga kababayan niyo sa isang dako ng Pilipinas nang walang kamalay-malay, ayan pa kayo nagpapatayan para sa sariling kayabangan ng kung sino ang tama para sa bansang ito. Hoy, baka nakakalimutan niyo: hindi lang kayo ang mamamayan ng Pilipinas, ano?
At tigilan niyo rin ang ganitong kautakan. Masyado kayong double standard. Colonial and crab mentality at its finest (kung hindi man best o worst). Sige nga, sino may gusto ng ganyang pangyayari in the first place? Maliban na lamang siguro kung gaya ka ng Abu Sayaff o alinmang grupo na trip ang maghasik ng lagim.
Ngunit sa totoo lang, hindi ito usapin kung safe nga ba talaga ang Davao o kung anu-ano pa? Kung tutuusin nga, walang makapagsasabi ng pinaka-ligtas na lugar sa Pilipinas dahil minsan nga, sa sariling teritoryo ay inuutas ka pa ng mga halang na bituka.
May nagsabi na isa itong akto ng terorismo, which is tingin ko, ay isang obvious na tama. Walang kaduda-duda. Ang sakit naman kung trip lang nila na kumitil ng buhay at magpasabog, dahil sa ganung dahilan. Halos wala silang pinagkaiba sa mga naganap na bombahan sa gitnang silangan, except na mas malala nga lang roon.
Isang bagay ang sigurado dito: hamon ito sa matinding krusada ng kasalukuyang administrasyon, na supilin ang krimen at katiwalian. Ang terorismo ay isang halimbawa ng pareho. Hindi lamang ito one-time big-time na kalamidad na gawa ng tao. May epekto rin to sa mahabang panahon pagkatapos, gaya ng mga nagdaang bagyo at ibang uri ng disaster.
Maaring mag-iwan ito ng isang stigma, na para bang nagbabala na huwag kayong lumabas ng bahay at magliwaliw. Eh paano na lang kung ang hanapbuhay mo ay nakadepende rin sa mga pampbulikong lugar, ano?
Lalo na kung usapang nightlife pa yan. There mere fact na nangyari 'to, hindi na ko magtataka kung sa mga susunod na gabi, sa mga dinarayo kong gig ay halos kaliwa't kanan, may checkpoint. O sa mga mall at parke, may makikita kang mga alagad ng pulisya at militar. Medyo kay sana, kaso hindi maiiaalis sa isipan ang takot e, o pagkasindak sa kanila.
Asahan niyo na lang siguro na yan talaga ang maaring mangyari, lalo na't nakadekalra na nasa state of lawlessness. Bagamat kailangan rin yata nila na isaayos ang deklarasyon nito (nakakalito ang mga anunsyo eh).
At habang maging dapat maging mapagmatiyag tayo, hayaan niyo na lang na gawin nila Pangulong Duterte ang nararapat sa ganyang kalakaran. Siguro kung magpapakasadista ang ilan, tama lang na i-shoot to kill ang mga terorista. Wala nang due process. Puta, ilagay natin yun sa mga nararapat gaya ng pakwestiyon sa tila extra-judicial killings at may kinalaman sa drugs. Ibang usapan ang terorismo kahit pareho rin silang considered na krimen.
So ayun nga. Para na rin siguro sa kapakanan ng marami sa atin. Ipanalangin na lang na sooner or later. Buuti ang lagay sa Davao. Matapang nga ang desisyon ng mayor nila na si Inday Sara eh, na business as usual muli ang Roxas market; patunay lamang siguro, na hindi papatinag ang naturang lungsod at ang diwa ng mga Pilipino sa alin mang masasamang elemento.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!