10/18/2012 12:23 PM
Pre-script: Ang lahat ng mga quoted na statement na nilahad ng awtor sa akda na ito ay hindi sa eksaktong paglalarawan ng mga salita.
Kung hindi pa ako nag-backread, hindi ko pa malalaman na may meet-up ang ilan sa mga kagrupo ko na mga kapwa ko din na blogger sa Definitely Filipino.
Message ng isa sa amin: “Slick,*3 other names withheld for their privacy* kailangan daw tayo magkita ni MommyJoyce sa 11, 3 pm.” Bagamat hindi ako naging matalak masyado sa pagrereply, nasa isip ko na “sige, puntahan ko nga ito.” Iyan ay sa kabila ng katotohanan na naubos na ang salapi ko sa kada paglalakad sa mga interview na inaapplyan kong trabaho.
Ayan na ang petsa: ika-11 ng Oktubre, taong 2012; mas mahiwaga pa sa pagkakasunod-sunod ng mga numero sa petsa (10/11/12), nag-check ako ng mga mensahe sa Facebook inbox ko at nalaman ko nga na tuloy nga ang lahat. Pag-uwi ko sa bahay, agad tumingin sa cellphone, nagtext ang nanay-nanayan namin ukol dun. Okay, I’m ready to go. Hindi ko inalintana ang dagdag na sakit ng ulo (literal) sa akin noong araw na iyun (as in nagkaproblema pa yata ako sa paningin ko).
On my way nga, isang unkown number ang nagtext. Buti na lang nagpakilala sa mensahe mismo.
“Slick, bangs ‘to. Saan ka na?”Sabi ko naman ay naka-shades, black na T-shirt at iba pa na hindi ko pwedeng banggitin sa blog na ito.
Reply ko: “Ortigas.”
“Eh pa'no yan? Sa LRT ako nakasakay.”
“Magkadugtong naman ang isatsyon ng LRT Edsa at MRT Taft eh.”
“Sige, kita na lang tayo dun. Anong suot mo? ”
Sabay paglabas ko ng tren sa MRT Taft station, dali-dali akong pumunta sa katabing EDSA station ng LRT 1, at sakto naman na dumating ang biyahe ng tren dun sa oras na ilang minuto makalipas ang alas-tres ng hapon (at, as usual, late na naman ako. LOL!). Sabay text ng “sa overpass tayo magkita.” “sa baba o sa taas?” “Sa taas mismo. Yung pagtawid sa riles.” Sa saglit na paghintay, dahil nga sa medyo hindi maganda ang paningin ko nung araw na iyun, no choice, tinanggal ko muna ang paborito kong apparel.
Hanggang sa paglingon ko sa aking kanan, isang babae na, well, may bangs (nga) ang nakita ko. Aba, kamuntikan ko pa na hindi makilala ‘to ha. Buti na lang medyo kakaiba ang dating sa dami ba naman ng taong dumaraan sa overpass na iyun e.
Agad kami pumunta sa opisina ni ate Dhors sa lungsod din ng Pasay. (Hindi ko na babanggitin ang eksaktong lokasyon para sa pribasiya niya). Lumagpas pa nga kami nang dahil sa dyip na sinakyan. Nakakahiya naman, may napalakad pa tuloy ako na ale. Hanggang sa harap ng opisinang iyun ay nakita ko na ang tatlong tao na nakapulang pantaas na damit (buti naman hindi nasunog ang mata ko sa pagtingin. Joke!). Sila Sherald Salamat pala, kasama si Kelvinjonas at ang nanay naming as DFBI na si Mommyjoyce. At pagpasok sa opisina ni ate Dhors, ay agad tumumbad sa mata ko ang apat na bagay: (1) ang paslit na nakatutok sa laptop niya, (2) ang mga produktong gawa sa salamin, (3) si Ate Dhors na nakapula din, at (4) mga putaheng nakahain sa isang lamesa. Sakto lang dahil wala pa akong kinakain noong araw na iyun. Hahaha!
Maliban dun, may mga bagay na pinag-usapan sa amin bilang magkakasama sa DFBI. Ang planong magkaroon ng libro, gung kaano kamahal ang magproduce ng isang libro na naglalaman ng mga blog, bagay na nagawa na ng mga tulad ng idolo kong si Lourd De Veyra sa SPOT.ph at akoposijayson (na awtor din sa DF) sa PSCOM; ang plano sa Disyembre (bagay na hindi naming pwedeng ilahad), ang librong Sindi ng Lampara na pinangunahan nila Ate Jovelyn at Ate Racz kasama ang mga manunulat sa Tagpuan ng mag OFW at DFBI (at bagay na hindi ko na nilahukan dahil sa hindi ko kayang gumawa ng mga mala-OFW na tema ng kwento), at iba pang mga bagay tungkol sa aming mga kanya-kanyang buhay. Kung gaano kahirap para kay MJ ang maging post editor ng Definitely Filipino, sa kada engkwentro ng pagtatama sa mga karaniwang pagkakamali namin sa grammatika’t paglalagay ng punctuation mark.
Maliban dun, of course, may chibugan. Mawawala ba iyun? Hindi ko pupurihin ang luto ni Ate Dhors, pero… sadyang masarap talaga yung mga ginawa niya e. Yun lang yata ang pinakaunang beses sa buong talambuhay ko na nakakain ng isang bomba, este, dynamite pala. Nga pala, asan yung upuan ng pinaupuang manok? Ayos!
Maliban dun, nakitingin sa PC ni Ate Dhors sa mga akda sa DF, bago man o trip lang basahin ang mga description ng kada awtor.
Narinig ang tinig ni Ate Jovelyn sa telepono. Teka, ganun ba talaga kaseryoso ang boses ko? O sadyang nagmomodulate lang ako ng boses nun? Iyun lang din kasi ang naintindihan ko sa mga sinabi niya maliban pa sa lakas ng sigaw niya na umaalingawngaw kahit yung ibang tao sa amin ang kausap niya nun. Hahaha! Yeah, see you in May, ate.
At, hindi pwedeng mawala ang dalawang bagay na ito sa isang meet-up (maliban na lamang kung hindi mo bisyo ito) ang inuman at picture taking. Tama si ‘tol Sherald, muntik pa akong makaisip ng isang mala-rant na akda dahil sa kadalasang gawain ko na umiinom ng alak bago magsulat ng gano’ng tema. Hahaha!
Natapos ang lahat sa isang masayang pagkakaton na magkita-kita kami. Sana nga may kasunod pa ito e. Sa sobrang lupit lang ng bonding at usapan, hindi ko namalayan na alas-8:30 na yata yun ng gabi.
Nagsiuwian na kami bago mag-alas-9. ang magka-choir na sila Sherald at Kelvin, magkasabay. Si Nay naman, gumawi na rin pauwi. At, ako at… teka, (hoy, hindi isyu ‘to ha.) si bangsoverload, magkasabay na lamang. Well, ayos lang ‘yun. Ganyan naman lagi e. chaperon palagi ako sa mga kasama ko na babae since time in memorial. Hahaha! At least, sa byahe ng tren (bagamat kung hindi lang ako aabutan ng alas-diyes, oras ng pagsara ng tren sa LRT 2, e ‘di dapat hinatid ko pa pala yun hanggang sa Monumento man lang).
Pag-uwi sa bahay, pasalamat ako kay NayMJ sa lahat ng nangyari. Ilang mga bagay din ang natutunan ko sa araw na iyun. Na…
- At least, may mga kaedad pala ako na mahilig din pala na magsulat. Sa pagoobserba ko kasi sa mga kahereasyon ko, dalawang bagay lang ang madalas kong mapansin: Kung hindi sa social media umiikot ang buhay, sa trabaho.
- Ang color of the day nun para sa akin ay PULA. Pero kahit pinakapaborito kong kulay yun, hindi ako nagsuot ng pula. May red wallet naman at red na umbrella ako nun e.
- Ang isa sa amin, ay malakas mambully. Lalo na sa anak ni Ate Dhors na si Gabriel. ‘di ba, Sherald? LOL.
- Katulad ng sinabi ko kanina, first time kong kumain ng dynamite. Hindi yung brand ng candy, ha? At napagkamalan pa akong matakaw sa maanghang.
- Hindi ako mati-tipsy kahit 3 bote pa ng Tanduay Ice pa ang aking inumin. Not to mention, red mirage pa ang flavor. Wasak na wasak!
- At sa pang-ilang beses ko nang sasabihin ito (and I’ll quote this from Tunay Na Lalake blog except from the subject), ang tunay na babae, nageextra-rice.
- Kapag natapos na ang office hours, natatapos din angpagtatrabaho ng “wi-fi,” bagay na nagpa-killjoy sa amin dahil dapat may kakausapin kami via Skype.
- Kung bakla ako, baka naging crush ko pa si kelvinjonas. Pero, buti na lang hindi ako Sirena.
- Si MommyJoyce ang isa sa mga pinakamabait na nilalang na nakilala ko. (Pwera bola at pwera palo!) with matching “^_^”
- Si Ate Dhors? Ayos May angas, pareho kami ng mga nakikitang bagay sa lipunan (bagamat siya rin ang nagbansag na Tulfo sa akin sa DFBI), may magandang taste sa pagluluto, napakasipag na Operations Manager... what else? Ayos talaga.
- At si Bangsoverload… hmm, ang dakilang sinundo at hinatid ng inyong lingkod? Parang kaboses nga nya yung unang babae na nakilala ko sa eskwelahan noong nasa kolehiyo ako e. Yun nga lang, hindi ko pinormahan yun. Ito? Ahh… next question, please? Maliban kasi sa 4 pang mga tao na nakasalamuha ko noong araw na iyun, ito ang madalas kong kausap. Hindi ko nga namalayan na may litrato pa sa fb (na hindi ko alam kung sino ang nag-ala paparazzi nun) na nagtatawanan kami. Kapareho ko rin ng kurso na pinag-aralan. At nakaka-overwhelmed din na at least nakilala ka ng tao na minsa ay hinangaan ka sa iyong pagsusulat (bagay na gusto ko rin sana gawin, na makipag-eyeball ako sa mga taong sumusunod sa akin sa social networking at blog ko). It’s like… wow!
At… masarap talaga yung dynamite e. Damn!
Hopefully, sa Disyembre, may kasamang bago at magkita-kita kami ulit. Kulang ang isang buong hapon para makapag-bonding sa mga taong ito e. At next time, aagahan ko na nga ang pag-alis ko sa bahay. Hindi ko malilimutan ang petsang ito. At, oo nga pala no? habang sinusulat ko ito sa isang mainit na tanghali ng Huwebes, eksaktong isang linggo na pala iyun. Akalain mo oh. Sana maulit. Ay, hindi. Mauulit talaga iyan! Tiwala lang.
(Original Title: Oct. 11, 2012 - SlickMaster's encounter with the DFBI family.)
Author: slickmaster | © 2012, 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!