As much as sinusuportahan ko ang
administasyon ng presidente natin, kaso kailangan yata maghinay-hinay
ang Kuya natin. Kailangang may magsa-ayos nito sa kanyang lipon sa
communications office. (Sorry, Martin Andanar, ngunit kailangan mong
maghigpit sa pananala ng impormasyon at pagbibigay nito sa madla.)
Gets ko naman ang punto kung bakit niya
sinabi na “Go to Hell” kay Obama eh. Yun nga lang, hindi kasi yan
ang akmang tono sa usapang diplomatika. Kung tayo-tayo lang ang
nag-uusap, maiintindihan natin yan.
Eh kaso – sa hindi kabutihang palad –
hindi. Ang isang simpleng pagbitaw nga ng salita, kaya nang sirain
ang reputasyon hindi lang ng pagkataon, kundi ng mga bagay-bagay na
nirerepresenta mo eh. Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit nakansela
ang event ng UFC dito, gayun din kung sakali mang matatangka na
ilatag na lamang sa ibang bansa ang Miss Universe.
At yan ang isang anggulo na hindi na
rin masabing kasalanan rin ng media. Hindi lang sila ang may-sala niyan.
Nung nasa administration na yan mismo. Kahit barahin mo pa yan ng
“masyado niyong nili-literal ang pulitika,” eh yun na nga eh.
Anong gusto niyo, palituhin lalo ang isipan ng mga taong litong-lito
na mula sa balita hanggang sa mga post sa social media?
Gusto naman na puntuhin na hindi porket
third world country lang ang Pilipinas ay kakaya-kayanin na ng ibang
mas superior sa atin. Lalo na ng isang super-country na gaya ng
Estados Unidos.
Pero no man is an island, sabi nga
nila. Kaya kung nanaisin ng mga nasa itaas na ipag-withdraw ng ibang
bansa ang financial aid na binigay nila sa Pilipinas bilang tulong sa
mga naganap na kalamidad, dyan yata tayo sasablay. Eh kung gamitin na
lang kaya ito para sa ganoong adhikain, no? Tutal marami pang mga
kailangang ayusin dun at sa malamang ay may mga kalamidad na aatake
sa bansa sa mga susunod na taon.
At umasal nga nang naayon sa lugar,
ayon nga ng isang T-Shirt.
At sabi na rin ni Agot Isidro.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!