Artwork by General Miss A |
Pero ang kamalayan ng mga tao sa social
media, parang tumatandang paurong e. Kahit makipagtalo ka pa na hindi
na bago ang mga ito.
Oo, sa ganun biglang pag-usbong ng
populasyon ng mga gumagamit ng sikat na website na Facebook, ganun
rin ang paglipana ng mga siraulo rito; ganun din ang mga mababaw.
Sabagay, yan ang problema pag masyadong liberal na ang mga tao.
Aabuso talaga sa kapagyarihan. Aabuso sa kalayaan. At kahit
makipagbasagan ka pa ng bungo, hahanap at hahanap ng malulusutan para
lang maing panalo sa bawat pagtatalo. (Kinda ironic lang e no?)
Lalo na kung trip mong mamutakte sa
tingin sa mga posts sa Facebook ukol sa mga kaganapan sa pulitka.
Sasabihin ko nga lang sayo na humanda ka na lang, sana okay pa ang
presyon ng dugo mo pagkatapos, at may mga die-hard supporter dyan na
mas nag-aangas kahit sa katunayan ay puro satsat lang naman.
Ganun din ang mga tahasang nagba-bash,
na para bang wala nang ginawang matino ang gobyerno sa kanilang mga
mata.
Ito ang problema kapag lahat ay may say
sa mga bagay-bagay. Ayos nga sana eh. Kaso yung iba, kung hindi
baluktot ang lohika, baluktot talaga ang kabuoan ng kanyang utak. At
sa labanang ito, hindi mananalo kung sino ang may tamang argumento.
Ang mananalo ay kung sino ang makalamang na mema.
Kaya hindi na rin ako magtataka kung sa
susunod ay magiging regulado na nang mahigpit ang mga socila
networking site dito sa Pilipinas. Pucha, maswerte pa nga tayo kung
tutuusin dahil halos walang mga bagay na sine-censor dito sa atin.
Pag nagkataon yan, kawawa lang ang mga aanga-angang tao.
Dahil yan ang napapala pag inabuso mo
ang social media. Hindi araw-araw ay Pasko. Hindi porket nagtatago ka
sa keyboard ay matapang ka na talaga. Yung ilan nga dyan, duwag kung
tutuusin eh.
Pustahan.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!