Mukha man silang gaya ng mga sinauna
nilang musika (na medyo madilim, er, dark goth pop rock na whatever),
tunog bago naman dahil sa panibagong single ito ng banda na kilala
natin sa pangalang Tanya Markova.
Ang Darling Kong Zombie ay ang pangalawang single nila mula sa independent album na Mister Tililing, na may music video na ginawa mula sa direksyon ni Jiggy Gregorio.
At kung napapanood mo na noon pa ang
ilan sa mga proyekto ni Gregorio, baka sa malamang ay alam mo na
ganito ang mga tipo niya na pelikula – medyo gruesome o grotesque
na horror film na hinaluan pa ng ibang makamundong bagay gaya ng
hallucination sa droga (isang halimbawa) at sex.
Bagamat itong ADKZ ay may halong makesong panlasa dahil sa tema ng liriko at mellow na
katunugan; ibang-iba sa tipikal na pop songs na ginagawa nila noon pa
man. Yun nga lang, masyado nang mahaba ang halos-walong minutong
music video para sa exposure ng mainstream, at dalawang beses na
pag-interrupt.
Pero tingin ko, tama lang din yung
pag-trato. At least nabigyan ng kahulugan ang kwentong nais ipakita.
At magiging tatak na rin siguro ng mga gawa ni Gregorio sa paggaawa
ng mga MV ng Tanya Markova ang paggamit ng ibang kanta sa ilang
bahagi nito.
Siguro, may ideya na rin kayo kung ano
ang maaring susunod na ilalabas nilang kanta sa publiko, no?
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!