Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

20 October 2016

Sagasa

10/20/2016 08:50:00 AM

Wala na sigurong mas nakakaloka pa kesa makita ang insidenteng ito sa Facebook kahapon. Actually, mas matindi pa siguro kung nasa Maynila ka pa siguro.




Siguro nga naman ay dahil sa sinusubkan nilang itaob ang mobile ng sasakyan at pinturahan ito ng bandalismo. At bagay nga naman na nakababastos sa pulisya.

Pero hindi ba maaring takutin sila? Kailangang araruhin talaga sila sa halip na iiwas ang sasakyan paplay mula sa kanila? Ah, kasi raw nakapalibot na sila at outnumbered ang pulisya. Hindi kayang kontrolin ang crowd. At ito ang problema pag kapos yata sa pwersa ng kalpulisan kung ratio lang naman ang basehan.

Ngunit mali pa rin sa kahit saang anggulo tignan eh. Tangina, araruhin ba ang mobile sa lipon ng maraming tao, pa-atras-abante na para bang galawan pag nagtatalik? Aba, sinong matinong nilalang ang gagawin nun? Lakas maka-Grand Theft Auto ha?

Nakabato yata ang mga tanginang kupal na taratadong gago na naturingan pa namang mga pulis na 'to ha?

Ngunit, again, hindi nila intensyon na araruhin yun. In fact, hindi raw nila sinagasaan ang mga 'to.

Ahhh. Okay. So, nagsisinungaling ang video na yun, na kahit sabihin na pinutol yan o hindi nakuha ang buong kwento ay isang malaking joke time lamang? Na ginawan lamang ito ng mga sandamukal na CGI effects para lang mukhang kapani-paniwala?

Ulol niyo rin, eh no? Ni wala nga yung sinasabi niyong tangka ng bandalismo dyan eh. Bagamat malabo pa rin ang

“The rallyists were trying to flip over the patrol car. In the process, the driver extricated the patrol car and inadvertently hit some unruly protesters who sustained minor injuries,” ani Chief Supt. Oscar Albayalde, ang National Capital Region Police Office director.

Okay, maintindihan ko sana ito kung mula noong nakatama siya ay napatigil sila – at yung ibang kasama ng naturang driver ay sinubukan pa ring tumulong para maipacify ang mga nakikibakang mga rallyista.

Tama rin naman sila noong sinabi nilang hindi dapat ma-violate ang batas ng isang estado porket nasa isang demokratikong bayan tayo. Kaya siguro, naging bayolente ang mapaparaan ng pag-disperse sa kanila.

Bagamat may punto, mali pa rin. Mas matindi sa backlash sa kanlang hanay yan, lalo na't may Commission of Human Rights na laging taga-check and balance kung lumalabis ang otoridad.

At akala niyo ba mga makakaliwa yang mga nagpo-protesta dyan? Mga katutubo kaya yan. Yan ang problema pag nilamon ng sibilisasyon ang bansang ito eh. Wala nang galang sa mga tribo na sa katunayan ay nauna pa kesa sa ating mga puro't salinglahi at mas makabayan pa nga kesa sa atin mismo.

Patay tayo dyan, mga tsong! Ayos din, 'oy. To serve ang protect ba talaga kayo? Hindi nagsisinungaling yang video na yan oh. Padeny-deny pa.

REFERENCE:

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!