Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 October 2016

Ipa-Suspend Daw?!

10/26/2016 05:41:21 AM

Sa totoo lang, as much as sinusuportahan ko ang ating pangulo, hindi ako fan ng babaeng ito. Kung bakit? Obvious naman eh. Baka awayin niyo lang ako sa kung anu-anong dahilan na masasambit rito. Ayos nga sana kung usapan o debate lang eh. Kaso malala na ang pagka-adik ng marami sa mga Pinoy sa social media. Feeling nila hawak na nila sa leeg ang ibang tao – lalo na yung mga sumasalungat sa kanilang opinyon.

Aba, ayos din kayo, ano?


Kaya siguro hindi na rin ako magtataka kung bakit tila lumala pa ang mga kaganapan noong may gumawa ng petisyon sa change.org ukol sa diumano'y blog ni Mocha Uson.

Oo nga naman, bakit nga naman ipasu-suspend ng Facebook ang blog ni Mocha, 'di ba? Ano naman bang ginawa ng babaeng ito sa bansa? Nasaktan ba niya ang feelings niyo? 

Nagpapakalat raw kasi ng mga maling impormasyon, at tsismis. At sa panahon na bawal nang maging mangmang, baka tila mas mabigat na kasalanan pa yata ang magmarunong – o mas malala, magpakalat ng maling kaalaman. 

Maliban riyan, nagbato pa sa paratang bise-presidente Leni Robredo na diumano'y pamumulitika sa alinmang mga pagdayo nito sa ibang bansa. Ganun? Hindi ba maaring sabihin na ginagawa lang naman niya ang kanyang tungkulin bilang ikalawang pinakamataas na pinuno ng bansa? Masyado yata tayo mabilis mag-ispekula.

Sa mata ng mga may-ayaw, siya ay 'tila isang propagandista.

Pero ito rin ang tanong: pag nasuspend ba ang page ni Mocha, hindi ba ibig sabihin rin noon ay tinanggal rin natin sa kanya ag kalayaan na magpahayag? Lalo na sa adbiyento ng social media, na halos bawat sinong tao ay binigyan na ng boses para maglabas ng saloobin? 

Hindi rin kaya baka tawagin rin ito na isang desperate measure, kung sasabihin nila? Dahil hindi nadala sa slut-shaming eh (which is isa ring no-no kung tutuusin).

At baka bias na rin? Dahil ang gusto natin makita lamang ay ang tila isang panig lamang. Maaring ganun, pero mukhang masalimuot ito eh.

Parang double-cross na hypocrisy. Sandamukal na irony lang. Oo, ganyan mangyayari. Ang isa ay umiiyak ng foul samantalang tila isa siyang false prophet sa pagpapahayag ng balita. At sa kabilang panig naman, hindi kaya baka maranasan rin natin ang saloobin ni Mocha kung tayo ay nasa pwesto niya na pangnahing taga-mando ng krusada laban sa hindi patas ng pamamahayag; na para bang “abkit mo ko tatanggalan ng karapatang magpahayag?”

Of course, kanya-kanyang law passage na ang magiging batayan dyan. Hindi lang sasapat ang mga nakasaad sa bill of rights, baka nga may kasama pa dyan na libel code, revised penal code, at dahil sa internet ang nagaganap na labanan, data privacy at cybercrime prevention acts. 

Siguro, sa halip bna magresort sa ganung mga hakbang, kailangang mas paigtingin ang pagpapakalat ng authentic na impormasyon sa mga tao. As in mas transparency ba, at dapat beripikado ang mga datos na nilalabas sa mga balita. Ito kasi ang hirap pag bias din ang ilang network sa mainstream media; kaya may dahilan kung bakit ang apat na milyon sa mga sumusuporta kay Pangulong Duterte ay naka-like sa page ni Mocha.

Besides, 4 million kung ikukumpara sa kabuoan ng mga internet user sa Pilipinas. Usapang istatistika. Ibig sabihin, kung mas marami ang magpapahayag ng pawang katotohanan, magmumukhang iilan o barya lamang ang mga tao na sitngin ng marami sa atin ay nagpapaniwala sa mga haka-haka at panatisismo.

At kung sakali mang mai-take down ang blog page ni Mocha, malamang ay my susulpot pa rin naman eh. Kasi ganun na lamang din kadali ang gumawa ng Facebook account. Para kang nagbulang ng 1, 2, 3 … as in sobrang basic lang. Yung iba nga dyan, pustahan, pepekein pa ang pangalan o edad nila para makapag-Facebook eh; gaya ng mga panahon ng Friendster o MySpace.

Kasi kahit lumipat pa ng pahina yan, isang bagay ang mananatiling totoo: you can never curtail freedom of speech. 

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!