24 October 2016

The Walking Dead Na! Eh Ano Ngayon!?

10/24/2016 09:36:20 PM

Photo credits: ComingSoon.NET
Lunes na naman. At para sa mga adik sa mga samu't sariling TV series mula sa Amerika, ito ang palabas na tinatangkilik nila; ang pinakapatok: The Walking Dead.

Isang horror drama na palabas na hinango mula sa komiks ni Robert Kirkman, na siya ring may gawa ng Outcast. Kasama ni Kirkman sa paggawa nito sila Tony Moore at Charlie Adlard. Si Frank Darabont naman ang nag-develop nito sa telebisyon.

Sa sobrang hit nito, naging isa na siya sa mga pinakatanyag na pangalan sa popular na kultura mula tauhan hanggang lugar. At maliban kasi sa drama, likas rin kasi na mahilig ang marami sa atin sa mga horror na palabas. Hindi man yung mga gaya ng multo o maligno pero at least yung hinahabol ka ng zombie.

Kaya nga pumatok ang larong Plants vs. Zombies sa atin, 'di ba?

Eh Season 7 na pala ng The Walking Dead kaninang umaga.

Eh Ano naman ngayon?


Dahil worldwide premiere nitong ika-24 ng Oktubre, malamang ito ang pinapanood ng marami sa alinmang sulok ng planetang ito. Para siyang beauty pageant na Miss World o Miss Universe; o dili naman kaya'y All-Star Game o Finals ng NBA, blockbuster na event sa UFC, o WrestleMania ng WWE; mga laban ni Pacquiao at Mayweather; o huwag na tayo lumayo sa mundo ng TV drama series – parang Game Of Thrones ng HBO. In short, tumitigil ang mundo sa kanila. Ang pinagkaiba lang: tuwing Linggo ng gabi (oras sa Estados Unidos) sumasahimpapawid ang TWD. Katumbas naman nito sa atin ay Lunes naman ng umaga.

Ang pinagkiba lang: Hindi lang siya specified sa iilang demigraphics ng television audience. In short, hait sino. Oks lang yun, basta huwag ka lang bibira ng “Ang tunay na lalake, nanunood ng The Walking Dead” dahil baka ma-chokeslam to hell kita.

(Oo, alam kong clothesline from hell yun at iba pa chokeslam. pero gusto kong mag-imbento ng move para sa inyong mga wannabe pa-cool eh.)

So The Walking Dead na! Eh ano naman ngayon?

Aabsent ka ng umaga? Magha-half-day ka dahil dyan!? Hoy, easy lang. May torrent naman eh. At kung may cable ka, may replay naman. Tingin mo ba ilalaglag ka ng channel na nag-e-air niyan sa sandamukal ng mga replay timeslot nila? Minsan nga nakakaumay na eh.

Hindi naman siguro kailangan na makipagsabayan ka sa hype ng mundo masyado eh no?

So The Walking Dead na! Eh ano naman ngayon?

Titigil ka ng isang oras sa pagtatrabaho? Alalahanin mong Lunes ngayon, Umayos ka, kasisimula pa lang ng linggo... kung ayaw mong mabad trip sayo ang boss mo.

Sabay siya rin pala nanunood niyan eh no? Ahh, kaya pala. Mga tunay na empleyado nga kayo.

At lalo namang hindi ka pwedeng hindi umattend ng klase mo dahil sa The Walking Dead na yan. Gaya ng sabi ko kanina, may torrent naman. Saka nire-replay din sa cable TV. Huwag masyadong magpaka-adik, uy!

So The Walking Dead na! Eh ano naman ngayon?

Kung manunood, manood. Huwag ka ring masyadong nagti-tweet dyan. Maliban kasi sa marami kang naso-spoil, hindi ka rin naman reporter na inuulat ang blow-by-blow ang mga bagay-bagay. At higit sa lahat, hindi lahat ng tao sa network mo ay interesado na makialam sa kinababaliwan mo; na sa sobrang pagiging hindi interesante ay baka maurat na sila sa'yo sabay unfriend na.

Kaya huwag kang magtaka kung bakit virtually FO na kayo ng kabarkada mong takot na takot sa mga horror shows. Ikaw kasi eh.

So The Walking Dead na! Eh ano naman ngayon?

Kung nauurat ka sa mga spoiler post na nakikita mo sa social media, uso ang mag-mute sa Twitter. Huwag kang feeling entitled na otomatikong ia-unfriend mo ang mga tropa mo sa FB o ia-unfollow mo ang mga follower mo sa Twitter porket nai-spoil ka nila. Feeling mo sa'yo lang umiikot ang mundo? Feeling mo tama ka palagi? Buti sana kung ikaw nagbabayad ng bill ng cable at internet mo para magkaroon ka ng bragging rights na sabihin yan eh.

At isa pa: bakit panay social media yang inaatupag mo? May trabaho ka ah! Lunes na Lunes ha?

So The Walking Dead na! Eh ano naman ngayon? Halos kalahating taon na naman ito sasahimpapawid. Halos kalahating taon na naman itong pag-uusapan. At ganun naman talaga eh. Malakas pa marketing strategy nila kaya sila hit na hit sa pop culture.

O siya, manood ka na. Pero siguraduhin mong kakayanin mo mga eksena dyan ha? Gaya ng pag-iwan mo sa kanya (ex mo), at sa kanya (na dati mong kaibigan na iniwan mo dahil lamang sa mababaw na dahilan ng pag-spoil). Baka mamaya kasi magtalukbong ka na naman porket nakakatakot na ang mga sumunod na eksena eh.

Besides, ang katanggap-tanggap lang na dahilan ng pang-FO dahil sa spoilers act ay ang pagso-spoil ng pagkain. Sige nga. Sino ba ang may gustong kumain ng panis na foods?

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.