11/25/2016 08:30:26 PM
Sa aking panonood ng lahat ng anim na play na itinanghal sa natatanging produksyon ng Dalanghita Productions na Tatlong Linggong Pag-Ibig, ito ang isa sa mga kinapanaibak at dapat kapapanabikan ng sinumang manunood nito – ang operetta na pinamagatang Corazon Negro.
Gawa ni Layeta Cucoy, musika ni Jed Balsamo, at sa direksyon ni Tuxqs Rutaquio, ang kwento ng Corazon Negro ay tila nabuhay sa kanilang pamagat – dark heart ba. Noong pinanood namin ito, ay nagkaroon ng halos dalawang minutong standing ovation sa Power Mac Spotlight. At bakit nga naman hindi?
Hindi biro ang halos isang oras na pagpi-piano ni Balsamo na literal na trinabaho ang musical scoring ng palabas na ito mula pagsimula hanggang pagtapos nito. Hindi rin biro ang pag-arte ni Mayen Estanero (na may isa pang play na ginampananan sa TLP), at ang kanyang bida-kontrabida na role para sa Corazon Negro bilang si Maestra. Nakakahanga, lalo na noong sinamahan pag ng matindihang pagganap sa entablado nila Al Gatmaitan (bilang Honorato), Natasha Cabrera (bilang Illuminda) at Greg De Leon (yung pari/prayle).
At hindi biro ang training nila para i-perform ang opera. Hindi basta-basta singing voice yun.
Sa pagtatanghal ng Corazon Negro makikita kung gaano katindi ang kaya ng tao pag nagmahal. Kaya nito na maging sakim kung hahayaan niya ang kanyang ganid na lamunin siya nang buong-buo. Kaya nitong wasakin ang buhay pag nawala sa katinuan. At bawat isa sa atin ay may pagka-Corazon Negro. As in may kadiliman ang puso. May pagkamaitim ang buhdi.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!