Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 November 2016

Curtain Call: Isanlibong Taon

11/25/2016 07:29:59 PM


Ang musical na Isanlibong Taon ay ang likha ni Pertee Brinasa sa direksyon ni Guela Luarca. Kinatampukan ito ni RJ Santillan at Patrick Libao, at ang kwento na tila isa sa mga maituturing na pinakamatapang sa lahat ng mga play na kabilang sa Tatlong Linggong Pag-Ibig, ang natatnging produksyon ng Dalanghita Productions ngayong taon.


Isipin mo na lamang ang panahon ng pakikipagrelasyon sa iyong kapwa na kapareho ang gender. Sa dekada '90, na halos marami pa rin ang sarado ang isipan at tinuturing ang ganitong klaseng ugnayan na isang taboo.

Bagamat masyadong maraming flashback devices ang ginamit bilang bahagi ng panulat nito, masasabing hindi siya nakalilito sa manunood. Mas natutuklasan pa nang husto ang mga karakter at mga pangyayari sa paligid dahil sa mga ganitong bagay.

Isama na ang elemnto ng musika sa naturang pagtatanghal na ito. Sobrang nakakahanga ang mga komposisyon ni Ejay Yatco, umaakma sa kwento. At bagamat sa isang pagtatanghal ay medyo hindi ganun kasinkronado ang boses nila Santillan at Libao ay tingin naman ay baka sa ibang beses na nagtanghal at sa pagtatanghalan nila ay mas magawa nila ito ng mas sabay, o snappy. Maganda pa rin ang kinalabasan.

Nakakabilib ang pagtatambal nila Santillan at Libao sa play na ito. Kahit hindi obvious ay pinakita sa kanilang pag-arte ang mga lihim na mga bagay na nais ipaliwanag, mula sa kagustiuhan sa relasyon at tula pagpaparaya – para sa sarili at sa sinisinta. Isa ito sa mga dapat panoorin, lalo na kung gusto ng matanggap ng mayorya ng lipunang ito ang mga gaya nila na bagamat hindi pares na babae-lalake ay may karapatn pa ring magnais ng pagmamahal.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!