Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

25 November 2016

Curtain Call: Malapit Man, Malayo Rin

11/25/2016 06:56:06 PM


Isa sa mga magagandang kwentong nailahad sa produksyon na pinamagatang Tatlong Linggong Pag-Ibig ay ang Malapit Man, Malayo Rin. Likha ni Chris D. Martinez sa direksyon ni Melvin Lee.



Tila may kurot sa realidad ang Malapit Man, Malayo Rin dahil sa hindi makakaila na isa sa mga pinakamalalang suliranin sa kasulukuyan ang minsa'y nagiging ugat para mauwi sa hiwalayan ang isang magandang ugnayan. Bagamat ang cute ng pag-aaway nila, sa totoo lang. Mababaw sa tingin pero may kurot sa puso pa rin. Patunay na una, ang mga bagay man -- maliit man o malaki -- ay may pinag-uugatan; at kahit sa mga mabibigat na bagay ay kayang pagaanin sa pamamagitan ng mga ganitong klaseng pagtatanghal.

Sobrang hanga ako sa pag-arte nila Roi Calilong at Patricia Liwanag para sa naturang pagtatanghal na ito. At sa pagsalarawan ng kwento mula kila Martinez at Lee, na bagamat halos video ng traffic na sa LED screen lang ang naging props ay nailahad nila ang kwento sa parehong nais nila at sa ekspekstasyon naming mga manunood.

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!