11/25/2016 08:00:50 PM
Malamang sa malamang ay alam na lama mo na isa kang tagahanga ng mga obra ni Carlo Vergara kung malalaman mo na ang Mula Sa Kulimliman ay tunog thriller sa papel, ano?
Pero maliban roon – at sa kanyang tangyag na obra maestra na Zsa Zsa Zaturnah – ang Mula Sa Kulimliman ay hindi lang supernatural na pagpapalabas para masabing astig o naiiba. Isa nga siyang family sitcom at love story na halo, eh. Oo, romantiko in a sense na siyempre may nagmamahalang mag-asawa sa kabola ng pagdiskubre at pagkuwestiyon kung alin ang totoo at ang pawang pantasya lamang.
At tingin ko, tumama rin ang pag-direk ni Hazel Gutierrez sa nais nila na ipalabas dito sa Tatlong Linggong Pag-Ibig ng Dalanghita Productions. As in may napag-usapan pagdating sa kung ano ang trip o gusto nilang ipamukha para sa theater play na ito.
Nakakabilib ang tila pagsipag ni Mayen Estanero sa kanyang pagganap. I mean, dalawang play pa nga ang ginagampanan ng lola mo. Napakatindi ng effort! Tapos isama mo pa ang pag-kilik ng pagtatambal nilang tatlo nila Jonathan Tadioan bilang si Gorio at Jonathan Castillo bilang si Jerome. May halong kurot sa high school cursh pa nga yata tong mga 'to eh – na magkaibang henerasyon.
Bagamat tragical drama na medyo nakakatwist ng utak kung mag-iisip ka ang kinalabasan, nakakatuwa pa rin na ganito ang kinahinatnan ng pagtatanghal na ito. Naiiba sa naiiba, pero umaakma pa rin sa pag-ibig bilang sentro ng kwento.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!