Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 November 2016

Curtain Call: Rom.com

11/26/2016 03:26:39 PM



Just when I thought na I have seen a lot enough para sa natatanging produksyon ng Dalanghita Productions na pinamagatang Tatlong Linggong Pag-Ibig, mali pala ako. May isa palang natitira nun na dapat kong panoorin, at yun ay ang likha ni George de Jesus na pinamagatang Rom.com


Oo, yan nga yung pamagat. Akala mo website na pang-dating, no? Pero actually, hindi. Isa siyang romcom na play na ironically ay hinuhusgahan ang mga sterotype na elemento ukol sa (well) romantic comedy na film, mula sa mga kilos hanggang sa mga kahulugan o pakiwari nito.

Nakakatuwa lang dahil patunay lamang ito na opposites do indeed attract, isang cynic realist na si William at ang isang hopeless romantic na si Beth. Tapos along the way, nagkaroon ng development si lalake bilang isa round character. Pasimpleng nainlab pala si loko oh! Yun nga lang, hindi siya happy ending gaya ng mga cliché na romcom na nasaksihan niyo, pero yun din – maliban pa sa naissulat ito sa wikang Ingles – ang nagsilbing bentahe nito.

Pero sa totoo lang, mas nakarelate ako sa karakter ni William (na ginampanan ni Jett Pangan). Parang ganun rin ako at some point sa buhay ko eh. Well, madalas pa nga eh; yung tipong dakilang basag-trip sa mga tropa mong sobrang romantiko, hanggang sa later on naranasan niya pala na mahal niya si Beth (na ginampanan naman ni Sarah Facuri). Sobrang astig ng pagtatambal nila para sa ganitong klaseng kwento at ganitong klaseng tema, na sinamahan pa nila ng kanilang mala-dobre karang pagganap bulang isang baklang bespren at pinsan. Mas akma pa sa akma ang dalawang 'to. Napahanga ako nang husto.

Kaya isa rin ito sa mga naging paborito kong theater play na napanood ko so far





Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!