14 November 2016

Patawad

11/14/2016 03:23:44 PM

This is something I wrote a few minutes after I had a recent heartbreak. Well, just to be clear, I didn't mean to pull off a Taylor Swift here, especially when I had a liter of beer already in my system. 

Unang-una sa lahat, gusto kong humingi ng paumanhin.
O patawad,
Pasensiya na.


Pasensya na ngayon lang ako humarap
Pasensya na dahil matapos kong komprontahin ang duwag kong sarili ay ngayon lang kita tatapatin
Pasensya na kung ngayon lang kita hinarap mata sa mata, dalawang dipa ang pagitan, seryoso ang pananalita.

Pasensya na
Pasensya na kung ngayon lang ako nagsalita
Pasensya na kung ngayong lang kita nakausap
Pasensya na kung ngayon lang ako naglabas ng hinaing
Hindi man sama ng loob pero sana ay maintindihan pa rin

Pasensya na kung ngayon lang ako nangahas na magsalita
Pasensya na kung ngayon lang lumakas ang loob ko
Pagkat wala namang nakikinig nang tunay sa akin
Nang tuluyan, nang maging tapat at nang maintindihan,

Pasensya na kung ngayon lang ako nagsalita ng alinmang nararamdaman ko sa iyo
Pasensya na kung ngayon lang ako nakahanap ng tiyenmpo para malaman mo ang mga ito
Pasensya na kung siguro ngayon mo lang narinig ang mga ito
Wala eh. Pasenya na. Naging duwag ako.

Naging duwag para aminin sa sarili ang lahat-lahat
Naging duwag para iwaksi ang pagiging hipokrito sa sarili 
Naging duwag na iharap sa iyo ang lahat-lahat
Ng mga salita na dapat mong malaman noon pa.

Noong panahon na tayo't nag-okay pa
Noong panahon na tayo'y nag-aalaskahan pa.
Noong panahon na akala ko'y mapapasakin ka.
Yung panahon na magiging tayo na.
Akala ko na.

Tangina, kasalanan ko rin 'tong lahat!
Kasalanan ko rin kung bakit nagpanggap rin ako sa aking sarili
Kung bakit kinailangan ko pa ng bote.
At kung bakit kinailangan ko pang malasing

Malango sa mga bagay-bagay na binibitawan ng iyong dila
Malango sa mga salita na nanggaaling sa iyong pagbuka

Ng bibig
Ng iyong isipan
Ng iyong malayang kamalayan
Ng iyong nais talaga na sabihin

Tangina, ang sakit pala, no!
Ang sakit pala kung manggaling sa'yo mismo
Sa iyong salita magmula ang mga nararamdaman
Narararmdaman na sa hindi kabutihang palad...

...ay hindi ko katulad.

Wala na. 
Alaws. 
Dedbol. 
Game over na, pareng Slick.
Pinal na ang sabi ng kanyang huradikaturang puso
Sa susunod kasi, huwag kang feeling tuso
'Yan, 'yang damdamin mo tuloy ang natusok ng karayom
Ng bubog
Nabugbog ka ng kalungkutan

At malamang pagbabayaran ko talaga 
'to ng sentensiyang panghabang-buhay.

May magagawa pa ba ako?

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.