11/09/2016 10:56:52 AM
Hindi na ako magtataka kung bakit napaka-classic ng laban na ito para sa mgayong taon. Imagine mo: isang hari ng tugma at ang isa sa mga magagaling na rapper mula sa Central Luzon, nagkasagupa sa semifinals ng Isabuhay tournament ng FlipTop. Pangalan pa lang, mabigat na. What more pa kaya ang performance nila.
Well, to be frank, nag-deliver naman sila eh, kahit ang isa ay sumadsad sa halos kalagitnaan ng laban. Kung gusto mo ng komprehensibong review, suggest ko sa'yo dayuhin mo itong Facebook note ng RAW clothing. (https://web.facebook.com/notes/raw/raw-reviews-fliptop-bwelta-balentong-3/1738091469790184)
More or less agree rin ako sa kanila after kong panoorin ito kahit 35 minuto ang haba ng naturang video. Solid pa nga ng crowd, at hindi biro ang pagtaguyod ni Anygma sa Bwelta Balentong 3 na 'to. Akala ko nga Loonie vs. Badang na ang pinakamabigat na napanood ko eh.
Anyway, so malakas talaga materyal ni Tipsy D sa unang round. Yun nga lang, mahaba ang setup niya, tapos sa yung round 3 hindi niya kinagat ang hamon ni Loonie (sa round 2) na i-rebut ang mga na-expose na nakaw na linya niya. Saka mapapansin talaga na kahit mabigat pa rin naman ang binibitawan, outweighed eh. At nagde-decline ang performance. Sigirp dahil sa mahabang set-up? Ewan ko. Pero hindi makakaila: solido pa rin.
Kung tutuusin, pantay ang Round 1 dahil literally sinabayan ni Loonie si Tipsy D sa mga unang bara eh. Yun nga lang, round 2, maliban sa pag-expose sa mga nakaw/kopya na linya ay kahit hindi direktang rebut ay sinagot niya yung pakikipagsagupa sa Araneta Dreams. At bagamat mukhang mas matimbang ang performance niya sa round 2, pucha naman, parang konti lang ang pagitan nun eh. Isang obvious na dahulan kung bakit hindi lang halimaw kundi hari ng tugma si Loonie dito. Matindi ang paghahanda, aniya nga niya, at nagampanan ng tuluyan.
Kaya hindi kataka-taka na all three rounds, kahit tied ang una kung sa personal na paghusga (sa video ha?), kay Loonie pa rin ang laban na 'to.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!