Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 December 2016

Change Is Coming (sa MMFF)?!

12/26/2016 03:05:30 PM

Photo credits: ABS-CBN News
Ito ang hirap sa mga tao dito sa Pilipinas eh. Gusto ng pagbabago, pero pag andyan na yung pagbabago, panay pa rin naman ang reklamo. Minsan, ang hirap lang lumugar.

Kung maalala, noong isang buwan ay inanunsyo na ang walong opisyal na kalahok sa ika-42 na Metro Manila Film Festival, bagay na umani ng samu't saring reasyon – pero isa sa mga ehekutibo ng kilalang film ang umangal. 

Aniya ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films, ang Pasko ay para sa mga bata. Sabagay, t'wing ganitong panahon kasi tila nagiging mas masaya ang bata eh. As in maraming regalong naibibigay, maraming pagkain sa hapag-kainan, panahon lamang na napupuyat sila at higit sa lahat, sama-sama silang buogn pamilya. Pero kung usapang materyalistiko lang naman, ito rin ang dahilan kung bakit halos isang holiday na pang-komersyo na rin ang Pasko at Bagong Taon.

Pero ang bullshit ng ganung dahilan, mader. Ika nga, “huwag mong gawing tanga ang mga manunood ngayon.” Hindi lahat ay fan na ng mainstream at ng alinmang basura nto – at ganun rin naman para sa mga latak ng indie. (Pero at least may effort ang gumagawa AT PAGANDAHIN ang produkto nila, no!)

Ito ang problema. Ang Metro Manila Film Festival ay isa dapat patimpalak para sa mga pinakamalulupit na pelikula sa ating bansa. At sa trend ng mainstream cinema na mula pa noong mga nagdaang taon, gumagawa lang naman ng isang 'obra' ang mga film company sa Pilipinas para lang ibenta ang kanilang pangalan at kanilang mga artista kahit na idinaan sa basurang storyline tinadtad ng ad placements ang kada setting, kinulang sa acting prowess, at minsan, sobrang obsolete na grapic effects, at mantakin mong sa 52 linggo ay halos ganyan ang ginagawa nila. 

So anong pinagkaiba nito sa mga ilalahok nila sa MMFF, maliban pa sa mala-all star ang cast of characters nila? Wala. Kasi yung substansya, ganun pa rin – kung hindi hangin o basura, panay-latak.

Kaya hanga ako sa kumite ng MMFF ngayon na iniba na nila ang nakagawian. Napanood ko na ang isa sa mga walong kalahok nila. Nakita ko na rin ang walong trailer nila. At masasabi ko na ito talaga ang Metro Manila Film Festival! Ganyan dapat. Kung gagamit ng mga bigatin na artista, hindi pang-30 seconds cameo lang. At nabibigyan rin ng tiyansa ang ibang mga aktor at aktress mula sa ibang larangan ng performing arts ng exposure at kakayahan na makipagsabayan. Ganun din ang iabng mga produksyon, manunulat at direktor. Dito ka talaga hahanga kung sino ang mga deserving na bigyan ng parangal.

Isa lamang siguro ito sa mga una at naunang hakbang para paangatin ang antas ng sinesa ating bansa. Malakas ang epekto ng social media, lalo na pagdating sa demand ng tao sa mga samu't saring bagay. Nangyari na ito noong halos naghingalo na sa mga sinehan ang Heneral Luna, Nilalang, Apocalypse Child.

Siguro kung tunay na pakay nga ng mga executive ng mga malalaking film producer ay makapagpasaya ng tao, aba'y nagagawa na nila ito kahit hindi Pasko eh. Garapalan na nga sa mga nakalipas na mga taon eh. Marami na ang mga nautot at naging mga malalanding fanboy at fangirl dahil basura lang din ang pinapakain sa kanila. Kung tunay na inaalagaan ng mga 'to ang audience nila, ipakita nila at hindi yung inaalagaan lang nila mga bulsa nila.

Eh kung i-takda na lamang sa ibang petsa ang Metro Manila Film Festival kung ganun? Kasi kung foreseen na ang katotohanan na mababawasan nang bahagya ang mga manunood ngayon, ibig sabihin nun ay hindi akma sa panahon na yun talaga ang ganoong klaseng pelikula. Sa isang banda kasi, hindi gusto ng mayorya na manood ng mga palatuntunan na magpapaalala sa kanila kung gaano ka-miserable ang buhay nila. At yan sa malamang ang sentimyento ng ilan sa mga umaalma, lalo na kung titignan nila ang laman ng mga trailer kahit gaano mo pa sabihing mabababaw sila sa pag-unawa. At kahit pagtalunan pa natin na “hindi naman lahat ng mga magagandang pelikula ay depressing ang kuwento o panay poverty porn lamang.”

Pero either way, hanga a ako sa kasalukuyang mga tao na nagmamando ng Metro Manila Film Festival. Indeed, change is coming!

Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!