12/13/2016 09:33:57 PM
At kapag usapang Pasko, maraming kahulugan yan, either: kahulugan yan ng pag-silang ni Hesukristo na tinuturing na isang tagapagligitas at tinawag na “emanwel”; isang araw na bagamat hindi ganun kasagrado sa mata nila ay nagpapakita lamang ng diwa ng pagmamahal sa sangkatauhan kahit sa isang araw man lang; o sa mata ng mga negosyante ay isa itong malaking peak season mula pelikula hanggang sale at kung anu-anong promo mula sa iyong mga paboritong brand.
At kung ang pangatlong punto ay bibigyang-pansin, isa sa mga nauusong pautot ngayon ay ang pag-iipon ng mga sticker para lang makakuha ng isang planner mula sa isang popular na coffee shop. Kada kalagitnaan o simula ng ber months ay may ganito na ang Starbucks, at tumatakbo ang naturang pakulo ng pangongolekta hanggang Enero at ang pagkuha naman ng planner ng bandang Marso bilang pinakahuling buwan.
Tinatayang nasa 12 klaseng inumin o baka sa malamang ay umaabot ng tumataginting na tatlo hanggang limang libong piso ang kailangang gastusin para dito; bagay na tiyak na marami na ring katumbas na gasutusin na bayaran – luho man, pangangailangan, o pareho.
Ayos sana yan kung pinagkakagastusan talaga ng tao at kung ginagamit ang planner. Eh paano kung hindi naman? As in paano kung nakikiuso lang naman? At paano kung kukuha lang ng planner para masabing may direksyon ang buhay miya sa mata ng mga tao – kahit sa aktwalidad naman ay nagmumukha lang siyang social climber dahil kahit ni kap'raso na pahina ay hindi naman ginagamit?
Grabe naman 'tong mga 'to. Nahiya naman sa mga taong nagsa-Starbucks talaga, ano? Nahiya naman sa mga taong gumagamit talaga ang mga planner, ano? Hindi sa pambabasag ng trip ha, alam ko na hindi lang isang ordinaryong coffee shop ang Starbucks at bagkus ay isa na itong status symbol. Pero dadayo ka lang ng coffee shop na yun, para lang mangolekta ng mga planner tapos walang plano na gamitin? Sounds pet peeve. Sobrang malala na fetish yan ah.
Maraming tao ang nangangailangan din ng planner kesa sa mga mema na 'to. Marami ring iba dyan na maaring bilhin kung nagtitipid ka lang rin naman. Yung iba nga, gagawa na lang ng sarili eh – as is DIY o do-it-yourself. At kung hindi ka naman gaano ka-aficionado ng mga coffee shop, mas okay naman yata yung ibang pamamaraan para lang may planner ka.
Kung tutuusin, ang karamihan sa mga taong may gana gumastos dyan ay nangangailangan talaga niyan – at kung nabibilang ka sa porsyento ng pagiging 'mema', ay puta naman. Huwag ganun. Kaya nagmumukhang matapobre din ang lutura ng mga coffee shop eh. Kaya rin pumapangit na rin at some point ang imahe ng pasko – hindi lang dahil sa pagiging ganid ng mundo ng komersyo, kundi dahil na rin sa mga nakikiusong mga puro latay lang na tao.
Author: slickmaster | © 2016 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!