01/01/2017 06:20:06 PM
Tapos na ang isang makulay na taon para sa atin. Kalahati yata ng sangakatuhan na naging masaya, at kalahati rin naman ang nadismaya. Yan ay kung personal na buhay ang pinag-uusapan; pero kung sa mundo ng pulitika, sining at kultura, palakasan, at ultimo showbiz, mas maraming mga hindi magagandang balita ang naglabasan mula sa kontrobersiyal na aytem hanggang sa mga obitwaryo. Malamang, pakana na rin kasi ito ng paborito mong mga channel sa mainstream media (oo, mga bias kayo! LOL biro lang!)
Pero tapos na ang isa sa mga pinakamalalang taon sa kasaysayan ng mga nakalipas. Panahon na para magmove-on at maglet-go ng sama ng loob at basura. Bakit kanyo? 2017 na eh!
Ano naman na ngayon? Ano o anu-ano ba ang aasahan ng madla sa taon na to? Well, ngayong 2017 ay mag-iisang taon na rin pala ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Presidente ng Estados Unidos Donald Trump, dalawang popular at kontrobersyal na pigura sa mundo ng pulitika sa kasalukuyan.
At tila tutok pa rin ang mata ng karamihan sa mga mangyayari sa bansa, kahit gaano man kagrabe ang mga pakikipagtalastasan at pakikipagpalitan ng sumabatan sa social media; mula imebstogasyon sa kung anu-anong isyu hanggang sa oplan tokhnang (at tangina, 'obosen'!). Well, yan ang produkto nito – lahat tayo, may boses. Ngayon, anu-ano ang mga susunod na kilos ng gobyerno sa darating na taon? Makabubuti ba ito o makakasama sa bansa?
Basta mga tsong at tsang, huwag nga lang sana kayong umabot sa sukdulan ng kapraningan, ano po? Wala na tayo sa lumang panahon at hindi lang itim at puti – at sa konteksto natin, kayumanggi at dilaw, ang mga kulay na uso ano? At alalahanin, kahit ano pang pinapanigan mo, mga Pilipino tayo at hindi Dilawan o ka-DDS, kaya tangina tigil-tigilan niyo ang kakaganyan, ano!
2017 na! Ano na ngayon? Siyempre, may Valentine's day pa ring dadaan, Semana Santa, Christmas, at mga tipikal na holiday sa ating bansa. Nothing's really new sa ganun.
Besides, maraming aabangan ang tao mula sa bagong yugto ng Philippine Wrestling Revolution, ang pangalawang edisyon ng Tagaytay Art Beat, PULP SummerSlam, ang pinakahihintay na konsyerto ng Coldplay sa Pilipinas, second season ng Stranger Things, at kung anu-ano pa; maliban pa riyan sa mga nakagawian na natin gaya ng WrestleMania, NBA All-Star Game, at NBA Finals – kakayanin kaya ng Cleveland Cavaliers na magkampeon ulit matapos masungkit ang kanilang unang kampyonato last year?
Pero at least ang ingay ng MMFF last year ay hopefully maghudyat pa para magkaroon ng mas maraming sensible na pelikula sa Pilipinas. Hindi rin makakaila na may nangyayaring band explosion sa music scene, kaya "OPM is dead niyo mukha niyo." Kung aasa lang kayo sa mga palabas ng boyband at hindi sa mga singing reality show talaga at dumadayo kayo ng mga gig, yang mentalidad niyo ang patay, hindi ang eksena.
2017 na! Ano naman ngayon Kung maari sana, wala munang mamaalalam na mga alamat no? Ang tindi kasi last year eh; sila Prince, George Michael, Chynna, Fidel Castro, Muhammad Ali, at ilan pang mga tanyag na personalidad mula sa mundo ng musika, pag-arte, palakasan at ultimong pulitika ang pumanaw eh. Matindi ang pagluluksa.
Kung tutuusin nga, masama pa ang panimula ng taon para sa mga nasa Istanbul eh. Hoy, huwag naman kayong ganyan. Hindi niyo pagmamay-ari ang mundo para kumitil lang ng buhay ng kapwa. Kaya tangina, matodas sana ang mga salarin dyan. Parang medyo ironic yun ah. Well, sobra naman na kasi eh.
Pero 2017 na! Bagong taon na. Siyempre, cynical na naman ulit ang mangyayari. Back tor eality ng January 3 – walang bago kahit Martes na yun nakatakda. At pagbalik ng mga opisina, ayun, baka bad trip pa ang ilan dahil sa (malamang) yung utak pa rin nila ay naiwan sa huling bakasyon ng 2016. Ganun rin ang nasa eskwehlahan – at ang walang pakundangan na “new year's resolution.” Na hindi rin naman talaga naususnod dahil hindi naman lahat ng Pilipino ay disiplinado.
So 2017 na. Eh ano naman ngayon?! Bago ang lahat, tangina ayusin naman sana ng mga telecommunication company ang signal nila. Nakabaon pa rin sa alaala ng dark ages ang internet dito sa Pilipinas eh.
Author: slickmaster | © 2017 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!