Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 January 2017

No Quality Kuno?!

01/11/2017 03:06:59 PM

Photo credits: CinemaBravo.com via Facebook
Hindi ko alam kung bakit ba naman bagong taon na bagong taon ay umiinit pa rin ang ulo ko. Hindi naman dilawan vs. DDS ang unang pumutok ngayong 2017.

Ah, ito kasi eh. Ang isyu pa rin sa pagbabago ng Metro Manila Film Festival. Diyos ko naman, 2017 na, dapat nga naka-move on na tayo eh. Alam naman natin na hindi sila gaano pumatok sa takilya, pero umangat naman ang kalidad. Marami pa ring mga manunood na naging masaya sa nangyaro sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival. 

Pero maliban kasi sa isang nakakaalarmang isyu ng eksena na sangkot ang aso, may isa na tila asungot ang hindi makamove on. 

Bakit, nag-flop ba ang pelikula ng kanyang kapatid? Parang wala naman yata kaming naririnig. Pero pumatok rin ba? Ewan ko rin, unless may kakilala kang showbiz insider na magsasabi sa'yo ng resulta.

Pero para sabihin na hindi quality ang isang indie film (or probably, isang pelikula in general) porket hindi nakagamit ng high-end na kagamitan? Hoy, hindi naman porket panay drone at crane cam ang gamit ay maganda na. Yung iba nga dyan, nakagamit ng CGI graphics, hindi rin naman maganda ang kinalabasan. Yung iba nga dyan, oo, ang high-tech ng mga lights, sounds, and lens na equipment pero basura pa rin naman ang kwento. Halatang pilit lang ang arte o pag-singit ng ilan sa cameo.

At anong pinagsasabi ni Senator Tito Sotto na “na-agrabyado ang mga bata” porket walang pelikula na General Patronage? May punto nga naman ang katotohanan na walang GP na movie noong Pasko, pero para sabihin na tila na-echapwera ang mga kids noong Pasko? Teka lang, sino ba nagsabi na ang Pasko ay para lang sa mga bata? Siya lang ba? Si Mother Lily rin ba? Pati ang iba pang mga gahaman na negosyante na sa sobrang yaman nila ay gusto pang humataw ng tubong lugaw noong nakaraang holiday?

Okay sana ang paghangad ng malaking kita sa Yuletide season eh. Kaso kung panay basura o sasamantalahin niyo na lamang ang season na 'to sa pagpapalabas ng isang mahaba (at dragging) na commercial sa sinehan, aba'y tama na ang gaguhan 'oy! Nakakaurat na ang ganyan sa totoo lang. At lalo niyo lang ginagawang istupido ang mga tagasubaybay niyo sa mainstream.

"Quality ba yun? Hindi high-end equipment ang gamit. Hindi top quality ang video."

Bigla ko tuloy naalala ang isang kumento na nabasa ko sa Facebook. "Senador ba yun? Hindi naman high-end ang utak. Hindi top quality mag-isip." Tama nga naman siya kahit humirit ka pa ng “binoto niyo yan kasi eh.” Patunay lang na change is coming siguro, at ang mayorya sa madla ngayon ay madalas pang nagrerely sa internet kesa sa telebisyon.

Tama man siya para sabihin na dapat may hiwalay na festival para sa mainstream at indie films (bagay na obviously ay meron tayo sa kasalukyan), mali naman ang paglait niya sa huling nabanggit porket mas pokus pa sila sa pagpapaganda ng kwento kesa pagpapaganda ng eksena. Saka isa pa: kung isusuhestiyon niya na manatili ang mainstream films sa Pasko, huwag nga lang ito matawag-tawag na Metro Manila Film Festival. Yan ba ang representante ng kabuuan ng kamaynilaan (o ng buong Pilipinas) pagdating sa pelikula? Isang mahabang palabas na tinatadtad ng ad placement kahit sobrang walang kwenta ng kwento? 

Tangina, tama na nga ang gaguhan! Ang MMFF ay dapat maging repleksyon sa kung anong talento meron ang mga Pilipino sa paggawa ng pelikula, at kung ano o anu-ano ang kaya nitong ibahagi sa buong mundo. Tama na yung masabing “MMFF is a business” ng kung sinumang sellout na direktor na yan. 

Mas mabuti pa siguro na i-takda ito sa ibang petsa maliban sa pasko at hayaan na ang karnabal ng mga basura ang pagpiyestahan pag Pasko kung ganun. Kung naalarma ang mga gaya ni Titosen sa takbo ng mga pangyayari sa MMFF 2016, patunay lamang ito na nahuhubog pa ng husto at maraming radikal na pagbabago ang nagaganap sa industriya ng filmmaking. Kung magsi-stick sila sa formula ng mga installment ng mga pelikulang ginagawa nila taon-taon, good luck na lang dahil walang mararating ang pagiging mediocre nila.

Author: slickmaster | © 2017 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!