Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

13 February 2017

Valentine's Day Na! E Ano Ngayon? (v. 2017)

02/13/2017 09:36:02 PM

Sa wakas! Ito na naman ang pinakahihintay ninyong ng mga tao (tao rin ako pero huwag niyo nga 'kong idamay please!); mula sa mga taong tuwid ang landas (at mga atat nang tumuwad) hanggang sa mga taong lumiko na (at sa mga biglang liliko pa lang). Single ka man, taken o it's complicated pa. Sa mga forever in a relationship with food at sa mga happily taken for granted at ganun na rin sa mga taong feeling heartbroken kasi nagloloko ang internet connection. 

Ang valentine's day, bow. 

Ay, uso pa pala yun? Nagbago na ang administrasyon lahat-lahat?

Aba'y oo naman... sa mata nila. Araw na pinangalanan kay San Valentino, kaya kahit hindi naniniwala sa relihiyon ay sinasamba ito. Bakit? Either for the sake na may maka-date o para may excuse na maghalf-day at mag-mate (ops, easy 'tol!). 

'Yan tayo eh, no? 

Ang araw ng mga puso, patunay lamang na mas may pakialam ang tao sa puso kesa sa utak, mata, tenga, buto, isaw, atay, balun-balunan at ultimong sex organ. Ay meron ba? Sige nga, bakit hindi niyo ring gawing mala-holiday kung mayroon ngang World o National Brain's Day?

Valentine's day na! Eh ano naman ngayon... for the sixth time?!

Ito na naman tayo eh no. Mga taong naglulupasay porket walang ka-date ngayong Valentine's Day. Hoy, magsi-aral nga muna kayo. Gumagawa na kayo ng bluprint ng relationship goals niyo samantalang hindi ka pa nga marunong magsuot ng baby bra? Ayos mukha, 'oy!

Valentine's day na! Eh ano naman ngayon? Siyempre, umaga pa lang may nagbebenta na ng rosas, lalo sa mga malalapit sa simbahan, eskwelahan, mall, at ultimong mga naglalakihang skyscraper kung saan malapit sa mga opisina. Para hindi na raw kayo dumayo ng mga gaya ng Dangwa, Megamall at Farmer's at mahasel pa sa trapiko. Yun nga lang, good luck sa mga presyo.

Valentine's day na! E ano ngayon? Pustahan tayo: maraming maghahalf-day bukas o early out. At kung aftermath ang usapan, malamanag baka maraming naka-VL na bukas o half day.

Valentine's day na! E ano naman ngayon? Naku, extended na naman ang rush hour nito na huli pa yatang naranasan noong nagla-last minute shopping pa ang mga tao noong Pasko. Marami na naman ang iinit ang ulo, lalo na kung malapit pa sa Pasig at Sta. Mesa ang dadayuhin mo. Tsk! Speaking of which... 

Dahil Valentine's day na, at lalo nang malamig ang panahon ngayon, baka sa malamang ay marami na ring nakapila at magpapareserba sa mga hotel at motel dyan. Medyo mas awkward nga lang kung papasok ka pa lang sa kwarto mo ay medyo naririnig mo na ang halinghing ng kung sinumang nasa katabing kwarto mo. Baka nga makarinig ka pa ng mga galawan ng gamit. Aba, intensity 69 ang lindol ah. Dinaig niyo pa ang WrestleMania kung mag-islaman.

Pero hindi naman lahat ng jowa ay nagtatalik. Umayos nga kayo sa pagge-generalize niyo. 

Valentine's day na! E ano ngayon? Single ka? Wala kang love life? Bakit hindi mo mahalin ang sarili mong buhay? Dumayo ka kaya ng gig, kumain ka nang kung anu-ano at kung gaano karami kahit table for one lang ang peg mo, o manood ka ng pelikula. Ah, kais maraming magsing-irog sa paliigid? Eh ano ngayon? Mas mahalaga ba yung may kasama ka kunwari para matanggap ka ng lipunan o mas mahala na maging masaya ka para sa iyong sarili kahit mag-isa ka? Tangina naman, hindi naman pang-couples lang ang mag-Valentine's Day. Baka nga may magbabakrada dyan eh, o magpamilya, o mga nagti-threesome.... as in trio sila na may jowa tapos may third wheel (yan kasing iniisip mo e no?).

Valentine's day na! E ano ngayon? Sana naman mag-ceasefire tong mga ka-DDS at dilawan natin e no? Yung militar nga at NPA, nagsi-cease fire eh, kayo pa kayang mga nagmamatapang sa social media (pero pustahan, hindi yan papalag pag hinamon mo ng sapakan)? Make love not war, ika nga. At hindi kailangang sex ang otomatikong katumbas ng dalawang salita na yun.

Valentine's day na! E ano ngayon? Nag-iisip ka kung anong mabuting gawin? Eh di magtrabaho ka nang hindi kukulangin yang sahod mo bukas. At iwasan mo na rin ang dumaan sa mga malalapit na mall at hotel kung gusto mong makauwi rin nang maaga. 

Valentine's day na! E ano ngayon? Sana naman mapuno ang venue ng PBA. Magpromo na rin dapat sila tutal isang holiday ng komersyalismo naman ang Valentine's day. As in marami dyan ang naghahangad na tumubong-lugaw ang negosyo nila, mula bulaklak, pagkain, condom at iba't ibang mga paraphernalia. Ang mahal din kasi ng ticket niyo e no, kaya kayo madalas nilalangaw dito sa Manila.

Saka isa pa: kung may jowa ka, iparamdam mo sa kanya na kahit hindi Valentine's day ay espesyal kayong nagmamahalan.

Valentine's day na! E ano ngayon? 

Puta, for the sixth time, ang bitter mo talaga SlickMaster. Sobrang cynical na rin ng mga rant mo sa Valentine's day, no?

Hindi. Mga tanga lang talaga kayo. Puta, may pa-“change is coming” pa kayong nalalaman eh wala namang nagbago – para yung pagiging pasaway niyo sa lipunang ito.

Author: slickmaster | © 2017 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!