Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

18 March 2017

Indi(e) Deserved Ang Price?!

03/18/2017 01:40:48 PM

Sa mga nangyari nitong nakalipas na linggo, mukhang ito lang yata ang mas napakaintersadong pag-usapan: ang pag-anunsyo ng isang major label ukol sa isang music event na gaganapin sa Mall of Asia sa darating na Mayo 2017 na kinatatampukan ng mga banda na hinangaan sa independent music scene nitong nakalipas na mga taon at sa kasalukuyan.

Mukhang interesadong paglaanan ng kuro-kuro dahil sa halos hati rin ang reaksyon ng madla, mula sa presyo ng ticket (na umaabot sa tumataginting na apat na libong piso) hanggang sa pag-kuwestiyon sa adhikain ng MCA Music na layon ipagbigkis ang mga musikero ng bansa.


Okay, tunog gasgas man siguro yun kasi ilang beses na rin yata sinubukan ng ilang grupo sa mainstream ang ganyan eh. Pero sa kabilang banda, at least sinusubukan nila. Yun nga lang kasi, may ilang label saka network na rin ang tila halata ang motibo sa mga banda sa ibang ibayo.

Bakit ang mahal naman ng ticket sa Get Music IndieGo? Dahil sa venue siguro, pati na rin sa naiibang klase ang pagtatanghal na gagawin. Nakita na natin ang mga ganito dati pa, o sa mga recent na mga buwan, sa Tagaytay Art Beat. Pustahan tayo, tumaas ang kilay ng marami noong nalaman nila na ang ticket doon ay nagkakahalagang 1,000 hanggang 1,500 piso para sa 22 banda na nagtanghal sa Museo Orlina – mas kaunti lang ng tatlong banda kung ikukumpara sa isang yearend fest ng Red Ninja nun sa B-Side (at di hamak na mas mura sa halagang 500 piso laang).

Eh pustahan tayo: baka umaaray ka na rin nung nalaman mo na lubu-libo rin ang halaga ng ticket para mapanood ang 3D nun eh; at ganun din nung nagsama-sama sila Barbie Almalbis, Kithcie Nadal at Aia de Leon.

Tingin ko, kaya sila umaaray ay dahil sa gusto nilang mapanood yun, hindi naman sasapat ang budget nila para mangyari yun. Yun nga lang, may paraan kung gusto, ika nga 'di ba? At dito rin mapapansin kung gaano ba kaseryoso ang modernong Pinoy pagdating sa isyu ng pera: magwawaldas ka ba ng apat na libo – halos kahalaga o higit pa kesa sa konsiyerto ng alinman sa mga “singer” sa maintsream – o hindi?

Kung ang sagot mo ay hindi, pero pinatulan naman ang 5K para sa konsiyerto ng isang “singer” sa mainstream o gumastos ka ng diyes mil para sa conert ng isang foreign artist, baka kailangan mong tignan ulit ang preferences mo sa buhay bago ka magreklamo sa pamagitan ng social media. Nakakagago yata yan. Double standard ba ang usapan?

Alam ko. Kung supporter ka naman talaga ng music nila, may gig naman na di hamak na mas mura ang ticket. Pucha, yung iba nga dyan, libre na ang entrance eh. At kung minsan, ang door charge, may kasama pang inumin. Eh di nakapag-good time ka. Tama yun. 

At minsan, ang pag-sign sa major record label ay nangangahulugan ng mas maraming exposure at oportunidad para makapagshowcase ng music – depende nga lang ito sa mapapagkasunduan. Kasi hindi naman siguro lahat ng mga andun sa itaas ay may ganid na adhikain. Of course, gusto nilang kumita, all right. And ganun din naman siguro ang marami sa mga talentadong tao sa kahit anong larangan, 'di ba? Huwag nga lang sanang babaratin ang halaga ng mga talento nila.

Sa kabilang banda, dapat rin sigurong klaruhin na seryoso sila at hindi lamang sila manggagago o mananamantala sa alinmang gagawin ng mga artist. Kasi yan ang papatay talaga sa alinmang goodwill ng mga nasa mainstream. May stigma na eh. Kahit ako, may paniniwala rin na “mainstream makes you dumb.” Sa puntong ito, na ayon na rin sa isa sa mga nakasalamuha ko sa eksena, ay panahon na ng band explosion ng dekada '10, kailangan nang matibag ang pagstereotype. At kung genuine man ang MCA sa gagawin nito, aba'y dapat lang. 

Gets naman ang pagrereklamo ng kamahal rito dahil may dahilan. At may punto nga naman na mabahala dahil sa mga nangayri in the past. Let's face it: hindi lahat ay nagiging tanyag sa itaas unless na lang kung namayagpag ka gaya nila Chito Miranda, Rico Blanco at Ely Buendia. 

Pucha, kahit naman ako, namamahalan din eh. Pero nasa sa mga kilos natin yan kung susuporta tayo sa kanila. Marami namang paraan, kasama na yung konsiyerto na yun. At wala naman sigurong pilitan yan gaya ng mga pagbibitaw natin ng mga kuro-kuro sa Facebook at Twitter, ano?

Author: slickmaster | © 2017 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!