03/03/2017 07:57:29 AM
Noong nakaraang Sabao, ito ang gumulantang sa mga blalita noong araw ng EDSA people power revolution. Isang mala-conspiracy theory na kkonmporntasyon sa pagitan ng batikang mang-aawit na si Jim Paredes at ang ilang miyembro ng grupo na tinatawag na Duterte Youth.
Photo credit: Thoughts Ko To |
Mainit ang mga kaganapan na siguro kung marami lamang ang grupo sa kabilang koponan ay baka naging riot na ang isang selebrasyon ng araw na ito. Pero sa social media, halos kaliwa't kanan na ang pagtira ng mga tao kay Paredes dahil sa inasal niya na nakunan sa live video ng isang reporter na nagko-cover nun.
At maaring gago nga siya para sa ginawa niya. Pero hindi kaya na-provoke ito dahil sa pagsipot ng grupo na pumapanig sa presidente? Eh may sarili rin silang rally sa Luneta. At kung totoo man yung sinasabi ng isa sa mga panig ng mga organizer na inihian ang pagkain nila? Naku, ang pangit naman nun. Nagmukha yatang hindi sila gumalang pag nagkataon.
Pero, may kontrapelo din diyan sieympre: sinasabi na ang EDSA People Power Revolution ay para sa mga Pilipino, at hindi para sa kampon ng kadilawan lamang. Aba'y tama nga naman.
At siguro kung dinaan pa sa isang maayos na pakiusapan ito sa halip na mag-ala duelo ng mga salita sa isang maaksyon na pelikula ang naganap, baka nag-viral pa ang naturang video at mas napag-usapan ng tao na halos walang bahid ng kung anu-ano. Hanga na nga sana ako sa ginawa niya na talagang pinanindigan niya ang mga pinagsasabi niya sa social media. Ayos yun; no question.
Pero sumobra siya. Namersonal na nga halos eh; at yan ang problema pag alab ng emosyon at pamumultika ay masyadong pinapairal. Yan ang nagiging resulta, sa halip na magkaisa aty lalong nagkakawatak-watak. Hindi nga nagmukhang magalang ang Duterte Youth group sa ginawa, pero nagmukha rin namang hipokrito si Paredes sa mga pinapakibaka niya.
Ah, nagpapakatotoo lang dahil sa mga pinaglalaban niya, ganun? Okay, gets ko naman na isa siya sa nakikibaka dun. After all kung hindi dahil sa kanila, ay baka hindi pa magiging malaya ang Pilipinas.
Pero sumobra na rin siya eh. Mali na rin. As if siya lang ang sumasalamin sa EDSA eh no.
Sige, magdemandahan na lang kayo, Magsagutan na lang kayo sa social media. Tama yan.
Author: slickmaster | © 2017 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!