Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 March 2017

Nokia 3310, The Return of the Comeback?!

03/14/2017 10:22:49 PM

New (L) and old (R) Nokia 3310 (Photo credits: Hindustan Times)
Sa panahon na mas naglalabasan ang mga pinakamaaangas na smartphone – as in mas nagiging astig sila, o sopistikado na ang mga feature nila, mga lumelevel-up na ang mga specs, may iisang telepono na tula naghuhudyat ng pagbabalik sa industrya ng mga telepono.


Sa isang mobile world congress na ginanao sa Barcelona, inanunsyo ng Nokia na ire-revive nila ang isa sa mga pinakamabentang modelo ng telepono sa kasaysayan – ang Nokia 3310.

Ngayon, ano naman na kung babalik ang Nokia 3310? Well, para sa mga cellphone user noong dekada 2000s, ang Nokia 3310 ay isa sa mga punakamatibay na telepono bagamat wala pa rin itong binatbat mula sa isa sa mga naunang modelo na mukhang pangkaskas ng yelo. 

Ang revived version naman nito ay may camera na rin (bagamat 2 megapixel lamang) na may kasamang LED flash, internal memory na hindi ganun kalakihan, at may keypad.

So pag nilabas ito, panigurado bang bebenta ito sa madla? Oo at hindi. Maaring oo kasi sa panahon ngayon ay mahihilig na sa nostaligia ang mga tao. Besides, sa demographics ng mga taong techie, halata naman kung anong edad ang kinasasaklawan ng mayorya ng mga cellphone user. Maliban pa dyan, ayos na spare phone to, lalo na kung sa panahon ng kagipitan. At walang kupas pa rin ang larong Snake, no.

Pero masasagot ko rin ang tanong ko na “hindi.” Bakit kanyo? Sa lipin ng mga taong mahihilig makipaghabulan sa mga nauuso, baka maging pansamantalang fad na lamang ang Nokia 3310. Nasayang lang ang matinding hype noong Pebrero tapos nung sa panahon na mailalako na ito sa merkado nitong taon. Kasi naman, ang popular na kultura, kahit walang sinasabi, may expiration date. 

At sa panahon na gusto ng tao ng mga astig na telepono. Oo, kahit ilang oras lamang ang standby time nito. Maaring mabuburyo sila in the long run kung panay may hawak silang powerbank maya-maya, pero mas nananaig ang mala-kamunduhang bersyon ng telepono eh (as in yung kulang na lang ay isampal na sa mukha mo ang mala-hologram na grapika ng isang modernong smartphone ngayon).

Kaya sa totoo lang, good luck na lamang sa Nokia ngayon. Maaring magandang hakbang ito para makabalik sa kumpetisyon ng mobile phone industry, pero kahit mag-a la game changer sila, mukhang mahaba-habang daan pa para makabalik sa pagiging dominante nila. (Huwag naman nating i-rule out na hindi mangyayari yun, baka dumating man ang panahon na yun eh baka kakainin mo lang din ang sinabi mo.)

Kung maari lamang gamitan ng wrestling references ang teknolohiya, kung may last man standing match man ang telepono, panigurado na ang Nokia 3310 ang panalo. At dahil sa rebelasyon na ito ng kilalang Finnish na brand baka mala-Undertaker na ang datingan nito. As in... the Deadman has risen again. LOL!

Author: slickmaster | © 2017 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!