Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 April 2017

“Hindi Porket 'Di Nagsisimba Ay Masamang Tao Na.”

04/14/2017 02:52:19 PM

Alam ko: hindi ako isang pilosopo na maalam sa ispiritwalidad o relihiyon. In fact, isa lang akong hamak na indibidwal na minsan nagilingkod sa simbahan at nag-aral sa mga Catholic school sa halos buong buhay ko bilang estudyante.

Pero sa paglipas ng panahon aaminin ko na nag-iba rin ang pananaw at paniniwala ko. Bagamat naniniwala pa rin naman ako sa Dakilang Maylikha, masasabi ko na hindi na ako ganun sa relihiyon na kinagisnan ko. At kung may isang bagay man ako na pinaniniwalaan sa oras na ito, yun ay ang katotohanan na 'di porket hindi nagsisimba ang isang tao ay isa na siyang tarantado o masamang tao.



May mga tao dyan na pag nalaman nila na hindi ka gaano nagdarasal gaya ng isang tipikal na Katoliko ay hinuhusgahan ka na kagad bilang isang erehe, o tila nakakalimot na sa mga “obligasyon” niya, o mas malala, pilibustero. 

Hmmm, ganun kagad? Hindi ba puwedeng busy lang ang tao at may problema siya sa paglalaan ng oras, at kung nagdarasal man siya ay hindi mo nga lang ito pinapansin, o dili naman kaya ay relihiyoso pa rin siya pero hindi nga lang niya ito bino-broadcast 'di gaya mo na may status update ka pang “off to church (with matching praying handds na emoji)” sa Facebook at Twitter mo?

Aba, masyado ka kasing negastar eh. Tinotoxic mo yang kapwa mo. Kulang na lang yata ay bansagan mo siya na “exkomunikado” ah.

Ayon nga naman sa Matthew 6:5-6**, “And when you pray, do not be like the hypocrites, for they love to pray in the synagogues and on street corners to be seen by others. Truly I tell you, they have received their reward in full. But when you pray, go to your room, close the door, and pray to your Father, who is unseen. Then your Father, who sees what is done in secret, will reward you.” 
**New International version

At yan ang isang wika na mas pinaniniwalaan ko sa usapan ng relihiyon, maliban pa sa ang paksa na ito bilang isa sa mga pinakamahirap talakayin dala ng mga bulag at sarado ang utak.

Sa pagninilay-nilay, may dalawang bagay akong napagtanto. Una, dapat marunong rumespeto ang tao sa pananaw ng iba, hindi yung tipo na sasabihan mo na siya ay isang erehe dahil sa hindi lang siya nagsisimba. Oo kuha ko ang punto mo: gusto mo na magpaalala, which is dapat nga naman rin; pero sa pagpili ng salita malalaman mo kung ang pakay mo ay nagawa o namamali ka na. Iba ang pagpapaalala sa panghuhusga at kung ang pagsumbat para sayo ay pagpapaalala, naku patay tayo dyan.

At pangalawa, ang relihiyon ay hindi dapat pinagmumukhang obligado masyado. Hindi ito trabaho (maliban na lang kung sa isang religious organizaiton ka nagtatrabaho). Bokasyon ito. May malaya kang utak at kamalayan. Maaring sa bata ay kailangan ng patunubay, pero hindi habang-panahon. Hindi mo naman siguro gugustuhin na mamuhay sa dikta ng sinumang nang-aalipin sa'yo, di ba? Ang punto lang ay: gawin ito nang pagkukusa, hindi dahil napipilitan.

Ngayon kung tunay nga yang intensyon mo na isama siya sa Simbahan, siguraduhin mo na naiintindihan mo ang dahilan at pinagapilian niya. At sa halip na manumbat, ipaintindi mo sa kanya sa mas tama at akmang pakikisalamuha kung bakit niya kailangan magsimbat at tila manumbalik sa Panginoon, at hindi dahil sa malakulto at personal interes mo na parang pag-refer lang sa call center. Umayos ka naman.

Hindi lahat ng mga tao na hindi nagdarasal o nagsisimba ay otomatikong masamang tao na. Ingat din sa pag-generalize. Dahil pustahan tayo na 'yung iba nga dyan na siraulo na hipokrito ay nagtatago sa sagradong lugar mismo eh. Yung iba pa nga dyan ay nagsisimba lang para makita mga crush nila, para may maka-holding hands 'pag “Ama Namin.” Sa madaling sabi, kamunduhan lang ang pinuntirya at hindi pananampalataya, panata, o penitensya.

So sinong ginagago niyo?

Author: slickmaster | © 2017 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!