05/06/2017 05:53:19 PM
Isa sa sa mga kadalasang nangyayari sa atin ang magkaroon ng katambak na basura matapos ang isang malakihang pangyayari o event. Madalas na yan sa mga pulitika, relihiyon, pang-aliw (as in entertainment) at ultimong simpleng piknik party lang ng komunidad kung minsan. At hindi exempted dito ang mga running event.
Lalo na kung usapang “Earth Day” pa. Taun-taon ginaganap ang Earth Day run, di ba?
Photo obtained from The Pandora's Box Facebook Page |
Pero dapat ba taun-taon rin ang mga ganitong pangyayari?
Nakakaloka. May Earth Day rin pa kayong nalalaman! Living irony at its finest. Filipino hypocrisy at its finest.
For sure, sa unang tingin talaga ang pupunahin the most dito ay yung organizer ng Earth Day Run na to eh. Malamang, command responsibility eh. Sasabihin na walang ginawa ang kumite na may hawak sa paglilinis o seguridad (o whatever na basta akma sa ganung laranagan). Hindi raw sinabihan ang mga tao.
And for sure, may hihirit naman dyan ng “For God's sake, it's a freakin' running event. Natural na may ganyan. ”
Punyeta.
To which I reply with an initial “OKAY FINE, pero hindi siya sapat o balidong dahilan.” Hoy, hindi porket dahil lagi na lang may janitor o metro aide, at lagi na ring malilintikan ang mga may-pakana sa social media (na naging isang lungga na rin para sa mga self-righteous na tao sa mundo) ay aabuso na rin kayo. Similar siya sa kasabihang 'hindi sa lahat ng oras, ang customer ay palaging tama.'
Oo, lalo na kung nuknukan naman siya ng kamangmangan sa Math.
Nagrereklamo kayo na hindi umuunlad ang Pilipinas at hindi man lang malinis-linis ang mga estero, kalsada, at gusali, samantalang ang napakaliit na bagay (kung tutuusin) gaya ng pagtatapon ng basura na yan ay hindi mo magawa?
Putangina naman. Sinong ginagago niyo, aber?
Baka hindi niyo rin naisip na kaya yan pinamagatang Earth Day Run ay dahil para gampanan niyo rin naman ang papel niyo bilang tao – na dapat ay nangangalaga rin ng kalikasan. Yan kasi problema pag sumasakay lang kayo sa bandwagon ng mga adbokasiya ng mga kumpanya o brand na naglalayon na maging aware sa mga nagaganap sa pagbabago sa kilma at pangangalaga ng paligid. Nasisira tuloy ang kanilang seryosong pakay. Nagmukha lang tuloy sila na isa sa mga organisasyon na nag-generate lang ng income at ginawang secondary lang ang charity churva. At para sa mga madalas nagpaparticipate, na porket may takbo, go lang, hindi iniisip kung ano bang meron talaga ng event na 'to.
Tangina, yung iba nga dyan kahit hindi 'para sa kalikasan' at isang 'trip lang na magset ng running event' ay at least nagsusumikap na gumawa ng ilang alintuntunin gaya ng pagtapon ng basura sa mga dapat pagtapunan na lugar lang, at hindi sa kung saan-saan.
May iba pa nga dyan na pag ganitong running event ay yung mga tumakbong participants ay minsan nagbo-volunteer pa para linisin ang kalat at magrecycle.
Ah, kasi ongoing pa nung kinunan yan? Wag nga kami, sinong niloko niyo, no?
Nakakalokang mga to. Tas magngangawa kayo na “Punyeta, ang dumi sa Pilipinas” samantalang numero uno rin kayong pasimuno ng kabalastugan?
Mga gago.
(Sinasabi na yung tampok na litrato na ito ay kuha pa noong isa sa mga nakaraang edisyon ng Earth Day Run. Yun nga lang, either way, applicable pa rin.)
(Sinasabi na yung tampok na litrato na ito ay kuha pa noong isa sa mga nakaraang edisyon ng Earth Day Run. Yun nga lang, either way, applicable pa rin.)
Author: slickmaster | © 2017 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!