Isa sa mga pinakamainit na headliens (at hindi ito pekeng balita) ay ang pag-appoint ni Pangulong Rodirgo Duterte sa... babaeng ito.
Photo from Bandera |
Well, love her or hate her, siya na yata ang pinakakontrobersyal na personalidad sa kasalukuyang takbo ng pulitika sa Pilipinas. At take note: hindi kailangang mag-aral ng may kinalaman sa politics para maging eksperto o ni aficionado rito. Ang kailangan mo lang ay social media at kakayahan na idisplay ang alinmang taboo sa mata ng tipikal na mamamayang Pilipino, lalo na ang sex.
Pero mula sa pagiging sex guru ay naging isa sa mga pinaka-vocal na supporter ni Duterte si Uson. Halata naman noong 2016, 'di ba? Aniya, sa mata ang mga ka-DDS, siya ay “tulay ng mga OFW.”
Yun nga lang, maliban sa ganito, ano nga ba ang nagiging teorya, mga kwento at hakbang kung bakit napunta sa gobyerno si Uson?
Usapang “utang na loob” ba? Bagay na in contrast sa mga sinabi ni P-Diggy noong nakaraang taon?
“What’s wrong in paying?’ Tutal ako naman ang may-ari ng Malacañang ngayon,”
Well, nagtaka pa tayo. Pag usapang pulitika, maraming mga kompromisong salita ang nagaganap. Mga salita at pangakong bumabaligtad sa ideyolohiya nila. Ngunit sa kabilang banda, aniya, bright siya at articulate sabi ni Duterte. Hmmm, parang sa madaling sabi, may nakita siyang potensiyal sa kanya.
Track record; ito ang matinding kinekwestiyon sa kakayahan niya. Well, ang tanong ng isang panig: meron ba? Maliban pa dun sa pagtalaga sa kanya dati bilang kinatawan ng MTRCB na umani ng samu't saring pagkwestiyon sa kanyang mga galaw.
Maliban dun, ano ba ang meron siya para maging presidential communications assistant secretary? Ang lakas ng following niya sa social media to the extent na nagspread siya di umano ng fake news? Ganun ba? Kunsabagay, isa na rin sa factor kung bakit malakas ang isang partido ay kung gaano nito ginagamit ang social media. Ang problema lang: magiging kwestiyonable rin ito in a sense kung lehitimo ba ang kampanya ng isa o sadyang propaganda lamang?
Teka. Nakapasa nga ba siya sa Civil Service Examination, ang pinakadaan para maging kwalipikado para magsilbi sa gobyerno?
Ayon sa ika-anim na artikulo ng Presidential Decree Numero 807 na pinasa noong ika-6 ng Oktubre, 1979.
Presidential Decree No. 807 dated Oct 6 1976 states: pic.twitter.com/JfASZ7AyS3— Mao Almadrones (@TheCatSaysMao) May 9, 2017
Hmmm... exempted kasi PRIMARILY CONFIDENTIAL ANG POSITION na hawak niya. Kaya pala. Tunog unfair to sa mga taong nagsusumikap na magtrabaho sa gobyerno at higit na mas kwalipikado sa posisyon na yun. Yan ang isang produkto ng palakasan. Oks lang kung may kakayahan naman eh. Ang taong dyan: ano ang kanyang gagawin ngayon siya ay naitalaga dyan?
At sa kanya paunang bungad, hangad niya diumano ang krusada kontra fake news. Mukhang “shoot to the foot” o “digging in her own grave” ang dating nito ah, dala ng mga aksuasyon sa kanya.
Well, sana nga lang, hindi niya tinutukoy na “fake news” yung mga biased na reporting ng mainstream media. Kuha ko naman ang punto niya ukol dun. Yun nga lang, hindi peke ang akmang tawag sa pagmamamnipula ng kwento, allo na kung sa paglipana ng mga balitaan ay may kanya-kanyang “anggulo” ang bawat ulat.
Maraming panig ang isang katiting kwento at sa totoo lang, lahat naman sa atin ay (pustahan) may pinapanigan. Kahit sino, bias. At pag kontra na kagad, madalas pa ay peke at kung anu-anong personal na insulto pa ang aabutin.
At oo, kailangan niya talagang pagbutihin ang magiging trabaho niya, hindi para ma-please ang mga kritiko niya at mapatunayan na mali sila (dahil sa malamang rin ay malabo mangyari yun sa lahat ng di panig sa kanya), kundi para patunayan na rin sa mga taga-suporta niya na karapat-dapat talaga siya dyan, as in kaya niyang patunayan na hindi peke ang mga nilalantad niya sa blog Facebook page niya.
https://bandera.inquirer.net/152224/mocha-uson-nagbanta-fake-news-babantayanhttp://tempo.com.ph/2017/05/13/mocha-takes-mariel-de-leons-tweets-as-constructive-criticism/
http://www.lawphil.net/statutes/presdecs/pd1975/pd_807_1975.html
https://twitter.com/TheCatSaysMao/status/861969242018598913
http://www.philstar.com/headlines/2017/05/10/1698619/duterte-it-was-my-idea-appoint-mocha
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!