Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 May 2017

Na-bobo si "Ano"

05/03/2017 10:32:19 PM

BOBOSEN. Pag bobo mode na naman si Titosen.

As in “na naman,” kasi panigurado na pang-ilang beses na naman siya nag-screw up sa kanyang tanang-panahon sa pamumulitika. 

Nyemas. Halos lagi na lang yata, e no? Halos lagi na lang nasasangkot ang mokong sa samu't saring kabalastugan bilang mambabatas. Nakakaloka.

While isa akong fan ng pagiging entertainer niya noon, yun naman ang kabaligtaran ngayon. Teka, anu-ano bang nagawa ng mokong na to sa Senado? Paki-enlighten nga ko, please?

Ah, okay. Isa sa mga “working” na senador dahil may 61 panukalang batas na siya ang naging either awtor o nag-facilitate. Bulang pulitiko, isa rin siya sa mga may adbokasiya ukol sa drags (my gad, I hate dragz), sa siyensiya at teknolohiya, sa pag-develop ng mga rural na area, mga kabataan at palakasan.

Ayos din, e no? Okay, for the sake of argument marami nga siyang nagawa sa bayan. Yun nga lang, sa isang banda, ang ego niya ang naghuhudyat ng mga kasablyan niya. Maliban kasi sa diumano'y murder-rape case kay Pepsi Paloma (isang bagay na nanatiling walang linaw na kasagutan), nagplagiarize siya sa kanyang speech, tapos ginawa pa niyang katatawanan ang pagsuot ng costume ng pagiging Arabo. At sa parehong mga sitwasyon ay hindi siya humingi ng paumanhin. Tapos minaliit pa niya yung mga pinalabas na pelikula nitong nakaraang 2016 Metro Manila Film Festival,

Tapos ito, nangyari nitong kamakailanlang.


Ahh, talaga? Okay, gets ko yung pagsabi niya na yun, which is obviously nasa paniniwala niya at baka sa malamang ay nasa ilang mga tao na namuhay noong dekada na yun sa ganung kolokyal na wika. Salamat sa mga may pakana ng machismo.

Kuha ko naman na siguro hindi niya pakana ang pahiyain yun at isa lamang siyang biro. At siguro dahil sa pagiging “politcally correct” ng marami sa ating lipunan, ang pagtawa ukol rito ay isang malaking kasalanan. After all, anong masama sa pagigign single mom, di ba?

Wala namang masama eh. Siraulo lang din 'tong mga tumawa sa hirit ni Titosen. Pero higit pa dun, kailan ba naging okay na ultimo ang personal na buhay ng alinmang tao ay maiungkat sa isang hearing ng Senado. Ito ang ayoko sa mga “hearing” (in general) eh.

Saka isa pa, hindi porket single parent ay na-ano. Punyeta. Yang DSWD secretary na yan? Baka nga mas marami pang nagawa yan sa saglit ng tanang-panahon ng kanyang paninilbi kesa sa mga ginagawa mo mula noong ikaw ay muling naluklok sa Upper House.

At kung personalan lang naman ang usapan, eh ano tong nangyari sa kanyang single mother na anak?

So, na-ano din ba siya?

Wait. So sasabihing “taken out of the context” na naman ito? Dahil humirit din siya ng “You have my 100 percent support. Thank you.” At dahil sa sinasabi na “Sinusportahan niya ang Women's Rights Movement?” 

Well, I think he has to act like one. Kasi mukhang hindi eh. Yung mga pagpili ng salita niya ang magpapahamak sa kanya. Kahit biro pa yan.

At hindi sa lahat ng kalye ay ganyan ang lengwahe na pang-kalye.

Dagdag pa riyan ay yung tingin niya na hindi na-offend si DSWD secretary Judu Taguiwalo sa mga hirit niya. Given. Pero baka malay mo ayaw din niya pahiyain ang kupal na senador sa isang mala-misogynistic na pamamaraan. At hindi porket hindi siya na-offend sa sinabi mo ay tutuloy ka na lamang sa mga panggagago mo. Okay pa rin yung mag-sorry ka at sabihin na hindi mo yun sinasadya (kung hindi nga sadya talaga), pero matuto rin naman maging considerate sa iniisip at dinadamdam ng ibang tao bago magbitaw ng salita.

Buti kung siya hindi na-offend. Kung ibang tao yana, baka pinatay ka na niya sa isipan pa lang niya. 

Ayos mukha, 'oy. Ito yata yung tinutukoy sa kanta ng Oktaves eh. “'Di ba namimilipit ang mga ahas mong dila? Bawat sambit mo ay bumabalik ang panahon ng Kastila? Pinagbabayaran ng taumbayan ang 'yong katangahan.”

Sipain na nga yan, hanggang sa buwan!

LINKS:

Author: slickmaster | © 2017 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!