07/17/2017 09:35:22 PM
Isa sa mga pinakamahalagang bagay sa isang bansa ay ang pagkakaroon ng isang sistema para sa transportasyon ng tao. As in mass transportation ba.
At para sa mga nag-aaral/nagtatrabaho/naggagala sa Kalakhang Maynila, malinaw na isa ito sa mga pinakamalalang problema na may karugtong pa na sakit na ulo – ang trapiko. Imagine mo no? Mahirap na ngang sumakay, naiipit ka pa sa lugar na iyong kinatatayuan.
At dahil lagi na lang puno ang mga jeepney, bus, at ultimo mga tren – sinamahan mo pa ng maraming maaarte na taxi driver, talaga nga namang ang mag gaya ng carpool at TNVS na lanmang ang nakikitang solusyon rito. Kaya nariyan ang mga gaya ng Uber, Grab, at ultimo ang Angkas.
Pero of course, dahil may isyu sa legalidad ito – lalo na't tila sa pamamagitan lang ng isang app at presto may kakayahan na ang isa na maging Uber o Grab driver, ayun, umalma na ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board.
Ayon sa post ni James Deakin, isang kilalang journo sa mundo ng motoring, matapos pagmultahin ng LTFRB ang parehong kumpanya ng tumataginting na limang milyong piso ay inaakusahan ng ahesnsya ang Grab at Uber na pagkakaroon ng mga drayber na walang aprubadong Certificate of Convenience (CPC) at Provisional Authority (PA); layon para ipatigil mula sa pagmamaneho ang mga apketadong tsuper mula Hulyo 26.
At ano ang posibleng kahinatnan nito? Marami ang mawawalan ng pagkakakitaan. Maraming mananakay ang daranas ng matinding kalbaryo. At kung makatsmaba man, baka aaraw-arawin ka ng surge nito. Ibig sabihin, mapapamahal.
Ang sakit, no? At dahil dyan umalma ang madlang mananakay. At bakit naman hindi? Maraming mga dahilan kung bakit trip ng marami (kasama na ng inyong lingkod) ang mga gaya ng Uber at Grab, lalo na kung kumparahan pa sa taxi ang labanan.
Halos walang maarte na drayber. Maaring may mga ogag pa rin, pero di hamak na walang-wala ang numero nila kung ikukumpara sa dumarami't talamak na mga taxi driver na ayaw na nga magsakay ng pasahero at nangongontrata pa. Sa Uber at Grab, maraming mga mababait na mamang tsuper. Hindi sila umaasal-balasubas. Kung alam ng pasahero ang daanan, madalas ay nakikinig pa sila keso sa mga piling taxi driver na naging isang epitome ng mga “know-it-all.”
At kung sakali man na magloko sila, malilintikan rin sila sa mga kinauukulan nila sa Uber at pati sa mga pasahero mismo.
Mas ligtas sila. Hindi pa ba sapat ang mga ulat mula sa mainstream media at mga kumakalat na balita pa sa social media ukol sa piling katarantaduhan ng mga taxi driver mula sa modus na holdap hanggang sa ultimo ang pagtatangka na manggahasa hanggang sa pinagtatangkaan na mismo ang buhay ng pasahero?
Kumportable sila sa mga sinasakyan nila. Hindi mahina ang aircon. Maayos ang upuan. Minsan, astig pa ang mga tugtugan.
At kahit minsan mataas ang binabayaran, at least may halaga naman ang serbisyo nila. Hindi gaano nasestress ang mga pasahero kung ikukumpara sa mga nagkukupal na mga taxi driver na keso walang masakay na pasahero pabalik, matraffic, at kung anu-ano pang excuses. At least hindi ka pwersado.
At teka, kailangang maghigpit para maging safe sila gaya ng ibang sasakyan na may prangkisa na magsakay? Ironic. Eh hindi nga sila nagbibigay ng mga kailangang papel sa mga nag-aapply na maging driver ng Uber at Grab mula pa noong isang taon.
So tangina, sinong ginagago niyo?
Bago niyo sabihin na safe ang ibang sasakayan na pang-transpo, siguraduhin niyo. Tangina, if we all know here, ang obvious naman na maraming balatubang nagmamahneho ng jeep sa Ramon Magsaysay, Ortigas Ave at Marcos Highway; at ganun din ang mga bus sa kahabaan ng EDSA.
Putanginang 'yan, safe pala ha?
So does it mean rin ba na anti-poor ang Uber o Grab dahil hindi tinatangkilik ng mga manakay ang mga jeep o bus? Eh kung ayusin kaya ng mga 'to ang mga sasakyan at utak ng drayber at operator nila? Puta, yung iba nga basta makaharurot lang kahit hindi alam ang ibig sabihin ng yellow light at pedestrian lane, may lisensya na eh.
Mas anti-poor kamo yung mga opisyales ng LTFRB na naghatol ukol rito. Pustahan: iba dyan nakasasakyan rin eh. Tingin mo sasakay ang mga yan ng taxi, bus, o jeep na nakabarong sila o Filipiana? At kung gawin man nila yun, pustahan tayo: magpapaka-anghel ang mga gago, aarteng mabait dahil pogi at elitista ang naisakay nila eh. Mag-iiba ang trato niyan sa pasahero sa mga oras na yun. Kala mo mga hindi makabasag-pinggan e no?
Tangina, baka nga gumagamit nga ng Uber at Grab ilan sa kanila eh. At kung totoo man, kinginang mga hipokritong yan oh.
For sure, matinding backlash pa ang mangyayari dito. Pero sa kabilang banda, tangina, feeling ko nga nangto-troll lang din LTFRB dito eh, gaya ng mga isyu nun ng Meralco at Cybercrime law. Siklo lang din ang mga ganito eh. Parang pineperahan ng ahensya ang mga gaya ng Uber at Grab, pinoprotektahan ang interes ng mga mapagsamantalang mga negosyante (sa taxi) at wala naman talagang pakialam sa mga mamamayang araw-araw na hinaharap ang kalbaryo ng pagpunta sa opisina't paaralan at pag-uwi sa mga tahanan.
Ewan ko. Haka-haka lang. Pakiwari lang.
'Ge, pakupalan na lang tayo dito, ano?
Author: slickmaster | © 2017 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!