07/25/2017 04:58:28 AM
Photo obtained via Scout Mag |
So. tinannggihan na pala siya na magkape matapos makinig sa kanyang mga malalapit na tao sa kanya, Tapos nito, tapos na dapat ang kwento na to, di ba? Kaso... ano na?
Yan kasi napapala eh. Hindi kasi sa lahat ng oras pwedeng idaan sa mga ganitong bagay ang pagtatawag sa isang tao (kabilang na rin dyan ang pagpaparinig).
Anu-ano ang dapat matutunan ng bawat tao sa 'billboard proposal' kuno na 'to? Wala, maliban sa...
Matutong magbudget. Bakit ka gagastos para lang mag-aya magkape? Ibig sabihin ganun ka kagalante, na gagastos ka ng milyun-milyon na limpak na salapi para lang sa kape na panigurado ay hindi naman siguro aabot sa isang libong piso?
Ilugar din naman ang mga pakay. Kaya napapagkamalan o nababansagang scammer eh. Napabalita pa tuloy, at nasira pa ang iniingatan na reputasyon (kung meron man).
Hindi kailanman naging romantic ang ganitong eksena. Ang creepy kaya! Puta, para kang pinagbantaan ng buhay, na para bang “Ops, wala kang choice tumanggi.” Halata naman sa hashtag, 'di ba? Pag tumanggi ka, ikaw pa ang lalabas na masama kasi 'di mo siya pinagbigyan. Napahiya tyuloy siya. He doesn't deserve this (sad 'NYEEEAAM!') At yan din ang isa sa mga kaso kung bakit takot magsabi ng 'no' ang ilang mga kababaihan – at moreover, ang mga tao, in general.
Ngunit kung tutuusin, ang hihilig kasi magromanticize ng Pinoy eh. Kaya nga nahihilig din mga 'to sa mga kung anu-anong proposal na makikia sa halos kahit saan, mula sa Mendiola hanggang sa ESGS hanggang sa B-Side.
I get it: kanya-kanyang pakay o trip yan. At kaya pinapakita sa buong madla ay para masabi na seryoso siya (rampant ang mga ganito pag ligawan o marriage proposal). At sa totoo lang, yung ilan sa mga ganito ay talaga namang nagpapakatotoo sa mga damdamin nila (which is dapat lang naman talaga). Kumbaga sa usapang business, nag-invest na siya.
Pero hindi kailanman ako magiging fan ng mga publicized proposal. At balik tayo sa kaso ng billboard para lang ayain magkape si Erich? Punyeta, hindi kinaseryoso yan. Mukha siyang Dolph Ziggler gimmick na 'show off.' At lalo namang hindi yan kinaromantiko. Tigilan niyo nga 'ko. Masyado kayong delusyonal at nagpapaniwala sa mga pinapanood niyo na romcom na para bang ang astig naman ng galawan ni guy para lang sagot.
Newsflash-slash-spoiler alert: at the end of the day, baka break din sila. Huhuhu, kawawa naman kayo.
Author: slickmaster | © 2017 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!