07/18/2017 11:16:52 PM
Photo credits: Rappler |
Since time immemorial na lang yata naglipana ang isa sa mga pinakamalalalng problema sa larangan ng transportasyon sa lipunan – ang tahasang pagtanggi ng mga taxi. Siguro karamihan naman sa atin ay minsan nang nagkaroon ng engkwentro na ganito.
Nah, ako nga tinanggihan ng halos 20 taxi nung may isang araw na kailangan kong pumunta sa BGC para mag-cover nun sa isang event bilang blogger. At hindi lang ito nangyari sa iisang lugar. Sa dalawa pa nga eh.
Yung iba, nuknukan ng pagiging arogante pa kung tumanggina as if isa na siyang demigod at deity ng katrapikan sa Metro Manila. Yung ilan napakabayolente. Yung iba naman, dinaan na lang sa bait para hindi halata ang pagdi-diva nila.
Sa sobrang kakupalan ng ganitong aktibidades, sarap tuloy gawin ulit yung biglang baba ka na lang ng taxi – at hindi mo isasara ang mga pinto nito. (Oo, 'ulit' kasi nagawa na namin yun dati at walang halong pagsisisi yun. Tangina niya eh.)
Ito lang ha? Pare-pareho lang naman tayo nagkukumahog na kumita sa araw-araw. Pero kailangan mo ba talagang manlamang ng kapwa mo at hihirit ka pa ng “keso ano naman gawin ko? Magnakaw?!” (sabay labas ng crowbar o katana). Mga tsong, hindi dahilan yan.
At please lang, kung gusto niyo na pagkatiwalaan kayo ng publiko sa halip na patulan namin ang mga TNVS, huwag na huwag kayong tumanggi ng pasahero, at baka mabara lang namin kayo sa alinmang isasambit ng mga gaya nito:
“Matraffic eh.”
Teka nga, halos kabuuan naman sa Metro Manila ay tinatamaan ng traffic ah. Anak ng tokwa, nagtataka ka pa ba? Minsan nga, pati mga expressway at ultimo yung Skyway na psa pagkahaba-haba ng panahon ay dumaranas rin ng matinding kalbaryo. So, tanong ko pabalik: saan ba dito sa lupaing ibabaw na 'to ang hindi matraffic, aber? Pakihatid nga ko dun.
“Hindi yun way ko.”
Ito madalas ang sinasabi ng mga driver na halos pagarahe na. Well, medyo considerabae siya sa akin. Pero kung hindi ka naman pa-garahe, aba...
Eh di ganun na dapat way mo. Arte mo ha?
Puwede ring...
So sinungaling tong nakapintang text sa taxi mo na “from (location redacted) to any point of Luzon?” Ganun? Sinungaling ka at ang taxi mo kung ganun? Perjury pa yan kung tutuusin kasi echos niyo lang pala niyo yang sinumpaan niyong tungkulin bilang mga taga-maneho na naninilbi na rin sa bawat mamayan na mananakay ay ihahatid mo kami sa alinmang lokasyon na saklaw ng iyong prangkisa.
“Maulan dun..”
Kasi nga pag maulan, matraffic. Parang instant noodles din kasi ang kalagayan ng mga kalsada at sasakyan dito sa atin eh. Dagdagan ng tubig, presto instant hassle na umuwi.
Pero kasalanan ba ni Pnoy/PDuts/namin/God/flying Spaghetti kung umulan?
Kung ayaw mong maulanan, panoorin mo si Sarah G at sabayan mo siya mag-Sun dance.
“Malayo naman!”
Malamang, ala namang magtaxi kami na pagkalapit-lapit ang pupuntahan namin. Maliban na lang kung marami kaming gamit at kailangan ng mga sasakyan.
So sino mag-aadjust? Palalapitin namin destinasyon namin? Wala tayo sa sarili nating parallel universe. Gising.
“Padagdag naman.”
Yung iba dyan, kahit hindi kalayuan kung makapaningil parang mula magkabilang dulo ang presyong sinisingil.
Teka. So kulang ba binabayad namin samantalang yan ang dikta ng iyong metro?
“Eh makina kasing metro na yan eh. Tao kami.”
Sabagay malamang di nga gagana ang taxi kung wala kayo, no. Pero still, that defeats the purpose kung bakit ka pa namamasada sa pamamagitan ng taxi. Kung ganyan argumento mo, wag kang magmaneho nito. Parang hindi babayaran ang oras pag nastuck sa traffic ah. Nakakakupal amputangina.
“May susunduin pa ko.”
Teka, taxi ka, 'di ba? Hindi ka naman nagmamaneho ng private car o yung pang-service talaga. So anong karapatan mo na mamili ng pasahero?
“Eh kasi, nag-usap na kami.”
Ah, kaya nga pala may contact details kayo, no?
Unless siguro kung may nakalagay na 'on call' o 'may service' na plakard – gaya ng ginagawa ng ilang taxi, maiintindihan ko pa argumento mo.
Pero pustahan tayo: minsan, excuse nila yan pag away nila magsakay.
“Coding ako sa (insert city here).”
Ah, may iniiwasan. Kaso kung tutuusin, dapat hindi na lang kayo nagmaneho dahil kahit sabihin mo na mahirap 'pag walang araw na kita, eh may magagwa ba tayo kung yan ang plakada na nakarehistro sa'yo? Mapapapili ka pa rin ng pasahero at sa ayaw mo at sa gusto, mali pa rin yan.
“Gagarahe na ko/Pauwi na ko.”
Sa totoo lang, naiintindihan ko tong dahilan na 'to. Mga tao pa rin naman sila, after all. Yun nga lang, wag lang magamit-gamit na excuse yan. Minsan sa ganyan, dapat pinapatay na yung ilaw na nag-iindicate kasi na hindi kayo naghahanap ng pasahero.
“Kakain pa ko.” Maiintindihan ko rin tong argumento na 'to. Minsan, hindi lahat ay sumasabay sa oras ng dapat kainan, lalo na kung alam nila na puno ang mga karinderya. Mahirap din pumarke ng sasakyan panandalian.
Unless isa kang hamak na tagapagmasid sa lugar niyo at paalis ka pa lang sa pamamgitan ng pagsakay sa taxi cab..
“Teka, kuya. Tanaw kita at ang taxi mo mula dito, Kanina andun ka sa karinderya sa tapat ng kanto ng tindahan ng tropa ng uncle namin ah. Kumain ka pa nga dun ng dalawang kalahating order ng bistek at bicol (express), tatlong extra rice at isang saging tapos nagpahangin ka ng tatlong minuto at limang segundo. Hindi pa ba busog ang mga alaga mo sa tiyan at sasabihin mo sa akin na 'kakain ka pa?'”
Pero kung talagang ayaw nila...
“Sige okay lang kuya. Ganyan naman kayo palagi. Kayong mga taxi driver kayo? Ang aarte niyo, Diyos ko!”
Alam ko marami dyan ang talagang maarte at nag-iinarte, pero hindi ko po hinihikayat na gumawa ng hasty generalization gaya ng paggeneralize ng ilang babae sa mga lalake bulang manloloko. Huwag, please Umayos kayo.
Minsan, may karugtong pa yan ng “tumatanggi pa kayo sa grasya!”
Teka, ano tayo, pagkain? Wag mo nang haluan ng relihiyon 'to, friend. Lalo lang gugulo ang usapan.
“Okay lang. Hindi ka naman kawalan eh.”
Baka ikaw pa ang nalugi sa kaartehan niyo na tumanggi.
Tapos isusumbat niyo sa mga gaya ng Uber at Grab kung bakit tila konti lang naihahatid niyo? Kung bakit kumokonti ang mga kinikita niyo
Aba'y mga gago pala kayo eh.
Author: slickmaster | © 2017 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!