Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

28 August 2017

Run n' Eat

08/28/2017 03:54:55 PM

Babala: ang susunod na post ay rated XPG. As in eXtreme Patay Gutom. Mangyari na may eXtreme Patnubay sa mga Gago ang kailangan.

Hanggang saan aabout ang walong piso/eight pesos/otso pesos mo?

Isang sachet ng shampoo? O pati ng maliliit na chichirya? Pamasahe ba sa isang ordinaryong trip ng tricycle? Pamasahe sa jeep na hindi lalagpas sa limang kilometro ang byahe?

At makikipagpatayan ka ba sa ganito?



Parang may mali ba? Oo, ganito ang eksena ng mga tao na handa makipagpatayan sa mga mamabaw na bagay, pagkain man o ultimo ang diskurso sa social media na hinahaluan ng pulitika. Pero wag nating pag-usapan ang huli dahil baka mastress eating ka lang pagkatapos.

Ano nga ba ang nangyari at humantong tayo sa ganitong kalunos-lunos na sitwasyon na para bang naghahabulan sa Zombie Tsunami ang mga mokong at loka na 'to? As in parang eksena pa nga sa World War Z ang mga naganap. 

Ahh. Hoiliday kasi. Araw ng mga bayani, kaya ayun, nagsisuguran sila na para bang mga mga dayuhang kupal na di palalagpasin ng buhay.

Sablay sila sa promo strategy nila? Hindi ba nila na-foresee na ganito karaming tao ang dadalo? 

Malamang, oo, at matututunan nila 'to. 

Subalit teka, bago ba nagreklamo ang mga ito ay binasa ba nila ang laman ng promo flyer? FIRST 80 CUSTOMERS lang nakalagay eh. Bakit umabot yata tayo sa isang libo na tula mas marami pa ang dumalo sa mga mall kesa dun sa mga diehard kuno ng PBA sa Araneta? Walang-wala sila kung sa numero ang usapan oh.



So hindi nila binasa yun at basta dayo na lang sila ng mall? Yan ang hirap pag di nagbabasa sa mga post sa social media eh. Oo, tumingin nga, pero may namiss out naman. Para kayong mga pulis na ginawang souirce ang social media para gawing basehan ng pagka-adik diumano ni Kian.

At kung tutuusin, kung binasa nga nila, at dumayo na sila sa mall at nakita nila na lagpas-lagpasan na

Nakakalokang mga tanga. Malalagay pa sa alanganin ang burger joint at yung mga sekyu ng mall nito. Malamang, command responsibility eh. At yan ang senyales ng isang tipikal na Pinoy – gagawa ng kalokohan pero isisi sa kapwa niya, o sa pamahalaan.

Ahh, may nagsabi kasi na may namigay ng discount stub. At yung unang 80 ay hindi literal na 80 katao na magiging customer. Ganun ba? Kung legit man 'to ay malamang sa staff ng branch na yun ang may sisi, hindi sa kabuoan ng franchise nito. Pero...

Gaano ito katotoo? At totoo nga bang may nangyari nito? Mahirap na kasi maniwala kagad sa kaliwa't kanang mga 'balita' salamat sa mga propagandista (at wala akong pakialam kung dilawan man yan o ka-DDS na panig) na tahasan nnang ginagamit ang citizen journalism para gumawa ng pabrikadong mga kwento. Pakatotoo muna kayo bago namin kayo paniwalain.

At isa pa: rules ay rules. Pag may pila, dapat may pila. Ganun kasimple. Mula rasyon ng relief goods hanggang promo, makikipagpatayan na. Makikipagsingitan na. Parang kayo lang ang tao sa lipunang ito, ano po? Para namang mamatay ang mga to? Nakakalimot yata tayo: hindi pa end of the world. 'Di na natuto sa Stampede nun sa ULTRA kaya yung ilan di lang nawalan ng will to live... pati life talaga.

Putangina, kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. 

Author: slickmaster | © 2017 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!