08/08/2017 10:14:11 PM
screengrab from the movie Kita Kita, obtained from ABS-CBN News |
Sa dinami-rami ng mga dapat pag-usapan nitong mga nakaraang araw, bakit nga ba tayo nauwi sa mga pagtatalo na may kinalaman sa pelikulang ito? Ang pinagbidahan nila Empoy at Alessandra de Rossi na Kita Kita, na maliban sa kumita sa takilya ay pinag-usapan nang seryoso ng mayorya?
At higit sa lahat, sa isang anggulo na diumano'y stalker si Tonyo (na ginampanan ni Julius Marquez)?
Teka: bakit nga bang stalker ang karakter ni Empoy bilang to Tonyo?
Dahil sa pangit ba siya? Dahil ba sa hindi itsura na sa mata ng marami ay hindi kaaya-aya? Aba, usapang “double standard” ba 'to?
Kung babalikan kasi ang mga eksena, may mga kilos dun si Tonyo na tila ay isa ring ikinikilos ng isang tipikal na stalker, lalo na sa mga panahon na sinusuyo diumano ng kabayan si Lea na nabulag dala ng stress (Oo, nakakpahamak talaga sa katawan ang strrress at yan ang isa lang sa mga resulta). Kung napanood niyo yung pelikula, malamang baka alam niyo na rin ang tinutukoy ko (Pero kung hindi, manood kayo; baka mabansagan niyo pa kong spoiler dito eh).
Alam naman natin lahat na ang mga eksenang dinulot ng ilan ay napatawa sa atin. Yun nga lang, sa malalimang aspeto, tatawanan lang ang mga bagay pero hindi nakakatuwa, gaya na rin ng karamihan sa mga palabas na komedya sa atin. Which reminds me of this: pinatay ba ng political correctness ang comedy? Dapat hindi eh.
Pero bakit nga ba nangungulit si Tonyo kay Lea, lalo na sa panahon na nabulag siya? Alisin naitn ang posibleng argumento na “eh kung sa yan ang trip ng writer eh.” ('Wag ganun. Nakakagago eh. Given na palagi yan.)
Hindi kaya dahil sa isang insidente na hindi siguro inaasahan ni Tonyo na bibigyan siya ng repolyo kada umaga at nang hindi niya nalalaman dahil sa lango siya sa ilang lata ng Saporro? Ang sa lagay ba ay mas nagmukhang unang nagpakita ng motibo si Lea?
Eh pano kung sadyang busilak lang talaga ang kalooban ng karakter ni Lea matapos ang matinding kalbaryo sa kanyang buhay-pag-ibig? At tila nagrereciprocate lang naman si Tonyo at tila napasama pa ang timing kasi nakaranas si babae ng temporary blindness?
Maari sigurong balido pero hindi sapat para i-justify ang tila pamimilit na kilos ni Tonyo. At tila nagmukha pang oportunista si lalake dahil sa sitwasyon. Hindi sa lahat ng oras ay nakabubuti ang pagiging persistent lalo na kung ang isang 'hindi' ay ibig sabihin talaga ng 'hindi.' Kung sa iba yan, naku baka nakulong ka pa o binadpress ka na sa social media.
Lalong hindi pa nakatulong yung ninakaw yung photoprint bagamat ang kontrapelo dito ay “Naiwan niya eh. Sinubukan lang naman hanapin ang may-ari iya.” Pero given na tila may pagnanasa (hindi sa lustful na pamamaraan) si koya, ayun lang.
So literal na ito ang isang panig ng Kita Kita, ano?
Siguro nga dahil sa sadyang mabait pa rin si Lea sa kabila ng mga kalbaryo kaya naisantabi rin ang isang flaw sa karakter ni Tonyo. May kinalaman siguro dito yung konsepto natin ng underdog. Oo, kahit hindi ganun kagwapuhan si lalake, basta 'matiyaga' sa pangungulit – o panunuyo sa mata ng nila – G lang.
Pero setting aside yung major character flaw, maganda pa rin ang kinalabasan pelikulang Kita Kita. At siguro, ang isang bagay na mas lalong nagpaganda ukol sa mga ganitong klaseng pelikula ay napapaisip sila, regardless kung rave yan o rant ukol sa kwento, karakter, at kung minsan ay sa teknikalidad pa, basta may substansya.
Sana nga masabi ko rin to sa mga ilang pelikula na sobrang basura eh. Pero ibang kaso yun. At least dito, hindi ka lang na-entertain, napaisip ka nang mas makabuluhang mga tanong, puna, at mga posibleng sagot.
“Weh? Pabibo lang naman mga nagrant ukol sa pagiging stalker ni Empoy sa Kita Kita eh.”
Putangina, huwag nga kayong ganyan. Hindi man lahat pare-pareho ng pananaw, pero hindi porket naiiba sila sa inyo ay dapat niyo nang hiritan na sila ng kung anu-anong ad hominem. Putangina, akala niyo naman tama rin yung mga nalalaman at sinasabi niyo.
Kung tutuusin, wala yan sa dahil talangka sila o ganun (at kung tutuusin, iba ang nagbibigay ng puna sa tahasang nangungutya o naninira lang).
Subukan niyo kayang pansinin mga pananaw nila (as long as may sense) at ikumpara dun mga opinyon mo at baka sakali lang na magkaintindihan pa kayo at magkaroon ng ugnayan ukol sa diskusyunan na to. 'Yan ang hirap sa inyo eh.
May pabibo pa kayong nalalaman eh kung tutuusin yung mga ilang sumasabay sa uso ang talagang tunay na ganun.
Author: slickmaster | © 2017 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!