11/15/2017 01:10:15 AM
Sa kalagitnaan ng ika-31 ASEAN Summit ay maraming mga kaganapan ang dinaraos sa piling mga lugar sa Kalakhang Maynila. After all, kaya nga tayo nagkaroon ng holiday para mai-anticipate ang mala-Gates of Hell na traffic lalo na sa EDSA, 'di ba?
At isa sa mga ito ay ang naganap noong nakaraang Martes ng gabi Ang isang masayang konsyerto sana na nauwi sa kanselasyon ng programa dahil sa diumano na isang stampede. Aniya nagkaroon na ng tulakan sa unahang bahagi ng mga manunood hanggang sa may mga naipit, na-suffocate, at nahimatay na dumating na rin sa punto na kailangan na makiusap ang mga organizer na umusog pa-backward. Halos masira na nga ang barricade. At malamang, kahit sino pa ang maghost dun gaya ni Venus Raj ay halos hindi na makakapagtimpi dahil sa mga ganitong kilos.
this really shookt me. pic.twitter.com/zEDna7abnt— El (@laizacostelo) November 14, 2017
Yan ang hirap sa maraming tao eh: mga palaasa sa libre o sa mga halaga na halos-libre. Tangina, kung tutuusin hindi na dapat bago sa ating kamalayan ang nangyari kanina pero wala eh: hindi pa rin tayo natuto kahit bago pa umusbong yung nangyari sa Zark's Burgers nun – at ultimo ang Wowowee stampede.
Maiintindihan ko pa kung hindi ito libre, at lalo nang hindi isyu rito yung pagiging maliit masyado ng venue para sa ganitong konsyerto. Well, sure pe-puwede mong sabihin na sana ginanap naman ito sa mga arena gaya ng dun sa MOA, Araneta, Flying V San Juan, Ynares at kung ano pa. Yun nga lang, dahil may venue sponsor ang event, dun talaga ang puntahan.
Pero again, hindi isyu ang pagiging maliit ang venue. Puta, ang dami ngang tao sa mga maliliit na music hall gaya ng Route 196, Mow's at saGuijo hanggang sa mga premyadong wasakang rakrakan gaya ng B-Side at Amoranto pero hindi naman sila humahantong sa mala-stampede na resulta. At kahit magwalwalan sila, ang mga pinakamalala lang na maaring mangyari sa'yo ay either matamaan ng paa sa mukha dahil may nagcrowdsurf o ang madukutan ka habang nageenjoy sa panunood.
Oo, nasa pag-uugali at kinikilos yan. Napakadaling sisihin ang mga organizer dahil baka sa malamang ay hindi nila napo-foresee ang mga ganitong bagay. Well, partly, oo, dahil ilang araw din nilang hina-hype 'to eh. Sabagay, libre, ang lupit pa ng lineup, at nataon pa na holiday. Parang sale lang sa mga mall kung tutuusin na may matinding discount rate na sumakto pa sa mga bagay na trip mong bilhin.
Pero it goes both ways this time around: kung masyado nang rowdy ang mga tao, sila rin ang gumagawa ng ikapapahamak nila eh. Sila rin ang gumagawa ng dahilan na magreklamo pabalik sa mga organizer at pagtakpan ang mga kalokohan nila in the process.
At huwag niyo kong hihirit-hiritan na keso dahil 'OPM lover' din kayo. Tangina, marami rin naman ang gaya niyong mapagmahal sa musika pero hindi sila nambalya ng tao, at nambastos sa ilan at alinmang posible na pamamaraan. Tarantadong mga 'to, gagawa pa ng dahilan na para bang ginagamit ang salitang 'pagmamahal sa sinisinta' para lang gumawa ng alinmang kaistupiduhan.
And if we all know here, karamihan lang sa inyo ay pumunta lang dahil libre. Kung may door charge yan, baka mag-rant pa kayo nang 'ang mahal naman nito!' Baka masupalpal mo lang ang ilan bilang mga elitista dahil sila at sila lang ang may kakayahan na manood ng mga banda na naririnig din naman nila sa radyo o napapanood sa Myx, MTV, at ultimo mga piling channel sa Philippine Free TV. Well, palibhasa di niyo pa nararanasana na mag-organisa ng mga ganitong bagay eh.
Minsan na nga lang magkaroon ng libreng palabas, ganyan pa inasal niyo. Tangina niyo rin e no?
Author: slickmaster | © 2017 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!