11/01/2017 08:13:58 PM
Hindi ko alam sa inyo, ano. Pero sa mga nakalipas na taon, parang nakita natin ang pagbagsak ng Philippine Basketball Association (PBA). Kalimutan na ang sandamukal na ad placements sa TV channel, ang pagputok ng isang all-English PBA coverage, at utlimong ang matindihang mga hakbang ng mga PR nila (to the extent na halos tinap na rin yata nila ang mga lifestyle blogger para lang i-promote ang mga laro nila sa alinmang venue sa Kalakhang Maynila).
Aanhin mo naman ang sandamukal na ganito kung gumagawa naman ang kume ng drastikong hakbang na hindi na niya saklaw in the first place, ganun din ang pag-ban habangbuhay kay Snow Badua (bagamat hindi ako fan ng ilan sa mga istilo ng kanyang pagre-report nun), ang ilang mga galawan na halatang pinapaboran ang iilang koponan ng liga, at higit sa lahat ang pagiging malangaw ng mga laro sa Araneta Coliseum, Ynares Center, Cuneta Astrodome,at ultimo ang Mall of Asia Arena.
Okay, pag Finals bumebenta. Pero pustahan: kung hindi isa o dalawa sa alinamgn SMB teams ang nasa championship series, tingin niyo papatusin ng tao yan? While I applaud ang effort nila ng paghatak ng 50 libong katao sa Philippine Arena nun, mukha naman yung galawan ng depserado para lang masabing kaya pa rin ng tao manood.
Pag out-of-town, bumebenta. Sa kabilang banda, yan ang patunay siguro na yun ang crowd ng PBA talaga. Besides, halos miminsan lang sa isang linggo sila nasa labas ng NCR eh. Kung ganun pa lang, dapat nakita na nila ang potensyal na ito at malay nila na magbayad nang matindi ang sugal na 'yun.
Kung traffic lang ang dahilan kung bakit di napupuno ang PBA ay isang malaking bullshit na. Come on, since time immemorial na ang sigalot sa trapiko sa Metro Manila eh. Mas lumala lang talaga ngayon, pero di sasapat na dahilan yun. Kung natuto lang magpresyo ng maayos sa mga ticket sales niyo, baka makabawi pa. Pucha, sino ba naman ang pupunta ng Big Dome at makakaupo lang sa upper box sa halaga na halos kabuoan na yata ng 'per day' na sinasahod nila? Siyempre, sentido kumon. Adulting pa rin sila kahit papaano kaya mas ilalaan na lang nila yun sa ibang mga bagay.
At aanhin mo naman ang ratings sa TV kung olats pa rin ang coverage ng PBA sa ibang teleserye ng Dos at Siyete? Wala rin. Halos subukan na rin yata nila ang formula ng UAAP eh. Oo, over-commercialized nga, matumal pa rin. Mukhang hindi pa rin makahikayat ng madla maliban na lang kung crowd favorite team ka. At kahit sabihin pa ng kasalanan ng ibang koponan yan, may parte din dito ang liga.
At sa nakalipas na linggo, nakakita tayo nang kalunos-lunos na balita sa mundo ng basketball – ang pag-trade ng #1 draft pick sa isang powerhouse team. Siguro, may loophole na rin makikita dito. At maaring masasabi rin na kasalanan ni Kia ito dahil hinayaan nila mangyari o pinagbigyan ang hakbang na ito.
Pero men, kung ang pakay ay isang balanseng kumpetisyon, maaring ang tanong dito ay bakit mo hinayaang mangyari ang trade na ito? Nung diumano humirit ang SMB at kung yun talaga ang nasa kautakan ng liga, dapat nanindigan ka na hindi pe-puwede talaga ang mga ganyang galawan eh.
Bagamat siyempre, usapang long-term team building naman ang maaring ihirit dyan at sinasabi rin diumano na ang kapangyarihan ng kumisyoner ay tahasang nabawasan.
Ayon sa mga nakalipas na mga balita, pitong koponan na ang nagwika na ayaw na nila sa pamamahala ni Narvasa. Isa na lang daw ang kulang (o 2/3 ng buong 12 ball clubs ng PBA) at may desisyon na ang mayorya ng PBA Board para pababain sa pwesto ang kumisyoner. Ang tanong: may isa ba sa nalalabing lima ang sasali sa mga umaaray na ball club?
Good luck na lang. Baka mauwi sa public outcry ang mga pag-call out, at yan ang kailangan nilang klaruhin bago magsimula ang panibagong PBA season.
Author: slickmaster | © 2017 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!