11/01/2017 11:59:45 AM
Buhay na buhay ang musika, at ibig sabihin rin nito ay buhay na buhay din talaga ang eskena, lalo na ang mga bar scale gig. Hindi lang kasi panay konsyerto ng mga malalaking musikero at artista ang nagpapanatili ng apoy sa local music scene, kundi ang mga maliliit na mga kaganapan sa mga bar kung saan minsan pa nga ay napupuno pa at tila nagiging sauna pa ang mga gaya ng Mow's, Route 196 at saGuijo.
At nakakatuwa lang kasi pag madalas ako magpromote ng gig ng mga prod na kakilalala ko, ito ang laging bumbungad sa amin, maliban pa sa mga namamahalan sa entrance (which is minsan, understandable naman): pengeng kasama.
Anak ng tokwa. Ang dami ngang tao sa gig (at bibihira nga lang ang mga matutumal) tapos hihirit ka pa ng “pengeng kasama”?
Ahh, Kasi nga naman, boring ang buhay mag-isa.
Weh? Talaga lang ha?
Kasi naman, parang ang boring ng buhay kung totoma ka lang mag-isa, lalantak ng sisig, shomai, deviled chicken, o crispy pata mag-isa, makikinig mag-isa sa mga tugtugan, o maghapi-hapi mag-isa. Pero nakakatawa lang kung may “strong independent man/woman” pa kayong nalalaman pero sabay hirit ng “pengeng kasama sa gig.”
Pagtatampalin ko kayo dyan eh.
Ahh. Kasi nga naman, hindi sila magkakilala. Pero madalas sa mga pagkakataon, ang mga gaya ng bar at nightclub ay ang nagiging venue sa mga aktibidades na may kinalaman sa social networking. Oo, wala pang Facebook at ultimo ang Friendster nun. So sa madaling sabi, marami kang makikilala pag andun ka, kaya okay lang pumunta nang mag-isa sa mga gig.
At madalas ay mababait sila. Kung akala mo na ang rahas na ng mundo (partikular yung nasa corporate side), dyan ka nagkakamali. Yan napapala kaka-kompyuter mo (pun intended) at pagpapaniwala sa mga balita eh ('di ba, mga ka-Yellow army at ka-DDS?).
At ang pinaka-may karaptan lang na magsabi ng ganyan ay ang mga tao na either: a) first-time lang makakadayo sa eksena dun; b) first-time kang mapapadpad sa venue; o siguro kung mahina talaga memorya mo, pwede ko pang maintindihan ang argumento mo.
Pero maliban dun, anu-ano pa ang dahilan kung bakit kailangan mong mag-gig nang mag-isa?
Andun ka naman para makinig ng musika, 'di ba? Hindi naman para makipag-chismisan sa mga tropa mo? Pwede niyo naman yan iiwan sa pinto o lamesa niyo eh. Basta pag show is starting, ayan, enjoy niyo lang naririnig niyo. Saka isa pa: nakakairita kaya kung dakdak ka nang dakdak dyan habang yung iba naman ay kini-critique na ang maririnig nila sa isipan pa lang (dahil baka rin tropa rin nila yung musikero at malamang ay nanghihingi rin ng opinyon kung kumusta set nila). Respeto lang, men.
Maliban dun, siyempre, ikaw mismo makakadiskubre nang mga katunogan nila bago sila sumikat. Pucha, bragging rights mo din yan. Pero maliban sa kayabangan ay at least alam mo kung paano sila nakakagawa ng mga patok na kanta na hindi mo lang naririnig sa Spotify kundi pati na rin sa radyo. Mas astig kaya yun.
Baka sa sarili mo pa nga mismo marami ka pang matutuklasan. Yung iba nga dyan, nagtry lang gawing subject yung banda sa photography passion nila, ayun, gumaling. Ganun din ang mga blogger, manunulat, organizer, PR, at ultimong mga kritiko. Kumbaga sa kasalukuyang landscap ng professional wrestling, yung mga gig ay parang SmackDown Live ngayon – land of opportunity. At magagawa mo yun pag wala kang gaanong kakilala o kasama. Mas kumportable ka. Walang mang-aalaska sa'yo lalo na kung 'di naman ganun kataasan ang self-confidence mo sa sarili.
Kaya kung sakali mang wala kang kasama, okay lang yan. Ituloy mo ang lakad mo papuntang Route, Guijo, Mow's, o kung saan pang music hall pa yan at malay mo, magustuhan mo ang mga naririnig mo nang walang kailangang approval ng ibang tao.
Author: slickmaster | © 2017 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!