Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 February 2018

Valentines Day Na! E Ano Ngayon? (v. 2018)

02/13/2018 06:29:53 AM

Ito na naman ang petsa na inaantay ng marami, maliban pa sa Pasko at kung anu-anong holiday (P.S. Holiday rin pala sa Biyernes). Malamang, ano pa ba? E 'di Valentines Day.

Oo, inaantay ng marami. Pass ang mga gaya ko sa ganyan. 

2018 na, ang bitter mo pa rin sa Valentine's day?

Mga tanga.


Punyeta, ayan na naman tayo eh. Ironic na may ilan na (totally) ayaw sa kommersyalismo pero nung naglaon ay nagpalamon rin naman sa sistema ng mga kapitalista gaya ng pagbili ng mga tsokolate't bulaklak, pagbook ng reservation sa mga resto at hotel (o  motel dahil... alam na this), bumili ng condom at pills sa botika, nakipagsabayan sa sinehan at walang pakundangan na gumastos (after all, sweldo kinabukasan eh kaya no problemo na dadaan na lang yun sa mga ATM nila) – para sa isang araw na feeling holiday kahit hindi naman talaga. 

Iba nga dyan, pustahan, nagpakacheesy bigla kasi sa nalalabing 364 ng relasyon nila ay puros sila away. Naging lover boy at lover girl ang mga mokong at loka ampota.

Anak ng tokwa.

Mabuti pa ang puso no, may araw? May gabi rin kaya sila? O may araw din kaya para sa mga utak, atay, balun-balunan, sikmura, mata, pamay, paa at ultimo ang mga sex organ? Meron pero syempre, hindi siya mabenta sa madla dahil masyadong teknikal sa mata nila ang usapang medikal o parte ng katawan. 

Pero ano naman bago eh parang same old shit lang din naman ang Valentine's day? Matraffic pa rin naman. Pero puta, ang awkward no kung magu-Uberpool o magga-Grab Share ka tapos ang destinasyon ng dalawa mong ka-carpool (na obviously ay mag-jowa) ay sa alinman sa mga hotel sa Pasig at Sta. Mesa. You better hope na hindi mo maranasan ang intensity 69 dun.

Mas dumagdag lang din ang tao na nasa mall na para bang dinaig pa yung mga nagti-3 Day Sale. O baka sakali na mapuno ang mga bar sa gig (naku, tito mode na naman ako pag nagkataon) at mapaligiran ka pa ng mga magjowa na halos makipaglaplapan habang tumutugtog ang mga paborito mong band a. Ah, teka, nasa maling lugar ba ko? Wala naman siguro ako sa lugar kung saan laganap ang ganung kultura, ano? O rather, “Tangina, pwede bang tumabi kayo? Ang laki niyong harang pareho eh. At bar ito ha, hindi motel.”

At ito lang ha? Hindi mo ikaka-petmalu sa pagiging desperado mong magkaroon ng dating partner ngayong Valentines Day. Wala kang werpa na makukuha sa ganun. Tingin mo ba lodi ka? Kahit makakuha ka pa ng 21863 likes, 40957 comments at 98437 shares sa hamon mo na idate ka sana ng crush mo, hindi ka pa rin ide-date niyan. Asa boy – and gurl din. Feeling niyo kasi madadaan sa open letter at pagcall out sa social media yang ganyang ginagawa niyo sa kanila eh.

Mga tol, kung ako sa inyo, magmahal na lang kayo kahit hindi Valentine's day. Mga mema din kayo e no?

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!