Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 March 2018

Selfie Muna Bago...

03/16/2018 10:12:47 AM

Kada buhay ay may kwento paras a sarili. At sa panahon ngayon, kahit sino pwede nang gayahin si Bong Go (actually, may mga nauna pa nga sa kanya na tinaguriang “selfie king” eh). Simulan natin sa … malamang, simula.


Selfie muna bago bumangon at maligo. Oo, kahit halatang nakanight gown, V-neck na sando, T-shirt, bra o kumot lang ang iyong saplot. As long as maganda hair mo, o di pa grown out of proportion ang balbas at bigote mo, selfie muna bago magsimula ng araw at magcheck ng email o Facebook. Because I #WokeUpLikeThis.

Selfie muna bago umalius ng bahay papasok ng opisina o paaralan. Oo, habang fresh ka pa at di pa sumasabak sa kalbaryo ng rush hour. Dahil ang hassle ng metro manila, mula trapiko hanggang MRT, at pustahan, sinong tanga ang magseselfie muna habang nasa MRT o bus ka para ipangalandakan mo ang iyong mukha sa mundo habang nakikipagsiksikan sa mga tao sa mga sasakyan na yan? Unless isa ka talagang mandirigma.

Selfie muna bago pumasok ng cubicle mo at nagbebreakfast ka. Tama na. Iniinggit mo kami eh, Hindi namin ma-afford ang pandesal mo o hotcake na may kasama pang burger o tocino sa loob nyan. At nagseselfie ka muna bago mag-time in? Eh paano kung isang segundo ka late pagkatapos ng grace period? Ang saklap naman nun, ano.

Selfie muna bago pagalitan ng boss. Sa sobrang buryo o burat ng boring time mo sa opisina, sa halip na naglaro ka ng games o nag-Facebook, nagselife ka na lang. Tama rin naman. At least hindi mo ginagamit ang internet ng opisina. Pero hindi mo ba napapansin na habang nagseselfie ka ay nakatingin ang boss mo (nasa 7'o clock mo, pre) habang naka-a n g e r y react na? Hindi lang siguro halata kasi wala obviously, wala siya sa frame mo. Ganun din ang mga beshies mo sa office at ang kaaway mong sipsip kay CEO.

Selfie muna bago mag-lunch. Kasi mahalaga ang mukha bago ang sikmura. Ay, kasi mahaba ang pila sa fastfood e no, o dili ang tagal ng serving time sa resto na pinasok mo, o dahil rin sa puno pa ang mga upuan sa karinderya at pantry?

Selfie muna bago kumain ng kikiam, halo-halo, squid ball, calamares, pansit, o lugaw twing meryenda. Pansin niyo ba na sobrang dalang (kung hindi man wala) ang nagpu-foodie about sa mga literal na street food? Tangina, pausohin kaya natin 'to, ano? Maiba lang.

Selfie muna bago mag-yosi. Kasi nga naman, baka marami ang magsumbong kila mommy at daddy.

Selfie muna bago mag-CR. Walang pake kung naririndi kayo habang ang pula ng ihi ko o medyo basa ang jebs ko. As long as nakakapagselfie ako.

Selfie muna bago umuwi. Kasi dismissal is your favorite subject, and not recess. Aminin!

Selfie muna bago manood ng sine o mag-gig. Kasi yun ang pinakapaborito mong gawin. Bakit hindi?

Selfie muna bago mag-Dota. Para good vibes ang dating bago ma-olats sa kalaban nang dahil sa kakampi mong tatanga-tanga (pag stun na, epi na kasi kagad, bobo!).

Selife muna bago dumating si date. Yes, para pogi kunwari o maganda! Mali, ang vain mo, gago!

Selfie muna bago maglaplapaan at makaisang round ng sex. Naku, ayan tayo eh. Pati pa naman 'yan, kelangang i-dokumento? Jusmio. Wala kaming pake kung seksi ka na, ang laki ng boobs, pwet, o ya ng karagada mo, o sa sobrang lakas ng sex appeal ay napaka-seductive mo para makapang-akit ng jowa o ka-one night stand mo. Sabagay, sa itsura ka na lang babawi kung hindi makapasa sa performance, ano? Pero tangina naman oh, TMI pa rin eh.

Selfie muna bago mag-walwal. Para maalala mo itsura mo bago ka magsuka at maglupasay, o magbreak down nang dahil sa alak ay naalala mo kung gaano kasakit ang hiwalayan at ipagpalit ka ng ex mo sa isang tao na nuknukan naman ng pangit o sama ng ugali. O bago ka ma-blackout dahil sa naging warfreak ka pagkatapos mong itungga ang isang bucket ng alak na yan at wala kang maalala dun.

Selfie muna bago matulog. Kasi ang isang buong araw ng pagdodokumento ay hindi kumpleto kung wala itong panapos.

Anak ng tokwa., mula umaga hanggang gabi, selife. Mula gabi hanggang umaga, selfie pa rin. Mga nilamon ng teknolohiya nang sobra-sobra at pagiging makasarili. Kaya nasasabihan rin na “selfish” nun eh. Kaya rin na sasabihan na selfie capital of the world. Kaya rin nagkaroon ng salitang selfie sa diksyunaryo at bagkus naging parte na ng ating bokabularyo kahit ano pang lengwahe mo. Kaya rin lalo umusbong ang mga produkto gaya ng mga telepono na may "selfie camera" (ay, front camera pala tawag dun, ano?) at yung mga camera na may kakayahan na magtilt ang mga screen nila para lang makita mo ang framing nang maayos bago mo i-click yang shutter.

Hay naku. Puro kayo mga “selfie muna bago...”

Teka, mag-selfie na nga rin ako bago ko tapusin 'to.



Oops!

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!