Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

28 April 2018

SPOILER ALERT!!!

04/26/2018 07:34:22 PM

Photo credit: Dreamstime.com

So, worldwide screening na naman ng paborito mong palabas sa telebisyon, pati na rin yung mga pelikula na inaabangan mo after 12480921 years, at ultimo ang malalakihang sporting event na binobroadcast sa either TV o Internet. At siyempre, pag pelikula, dadayo ka na sa sinehan. Kung sa TV naman, malamang ay nakainternet ka na at maghahanap ng live streaming link kahit ilegal pa yan. Unless wala kang kahati sa boob tube mo at matino ang digibox.

Ganun talaga. Panahon na ng instant gratification para sa ilan eh. Habang ang mga pasensyoso at busy, maghihintay na lang kung kelan sila pwede makanood.

At ang isang produkto ng naturang instant gratifcation tehory ay ang mga spoiler. Bakit? Ewan ko. Excite sigro sila magkwento kahit sa malamang ay hindi naman lahat sa kanila ay intend na magmukhang spoiler.


Pero kung tutuusin, kung di mo talaga kayang kontrolin sarili mo na magdaldal sa internet, pwede naman siguro na isulat mo na lang yan – PERO NAKA-“ONLY ME” ANG PRIVACY SETTINGS. Ang lala naman ng sakit mo, tsong: yung hindi marunong manahimik kung kinakailangan.

Pero sa kabilang banda, hindi kaya parang ang babaw naman kung dahil sa pelikula ay isasangalang-alang ang pagkakaibigan dahil sa mali ng isa ukol sa pelikula? Eh pustahan tayo: alinman sa mga sinusumpa niyo dyan ay hindi rin naman magagawa kaya dinadaan sa patawang parinig ang mga bagay-bagay.

Mukha siyang mababaw sa unang tingin. Bakit nga naman kasi ia-unfriend kagad? Eh paano kung sobrang close kayo at dahil lang sa isang iglap at maliit na bagay ay nasira na ang pakikipagkaibigan. Paano kung nangailangan ka sa kanya tapos nalaman niya na inunfriend mo siya? Baka maghinala yan tuloy. Alam mo naman ang panahon ngayon – nagiging basehan na ng pagkakaibigan ng marami yung mga ugnayan nila online. At ang OA ng dating kung ganun.

Ayon sa ilan, kakulangan kasi diumano ng paggalang o respeto. Kumbaga, kung alam nila na gumalang sa mga kasama nila sa buhay, hindi nila sisirain ang kaligayahan ng kaibigan nila. Sa madaling sabi, wala nga namang kasing basagan ng trip.

Saka isa pa: kaya marami nagaalubroto to the extent na mukha nga siguro silang OA sa iilan ay dahil rin naman alam nila sa punto de bista ng mga gumgagawa nito. Hindi sila nagmamarunong o spokesperson. Sadyang marunong din silang gumalang at umintindi. Isipin mo na lang: kung content creator ka ay ikaw lang ang mas may karapatan na ilabas ito sa mundo at magkwento kung nais mo. That said, madalas ay hinahayaan mo na lang ang mga akda mo gaya ng pelikula ang gumawa ng pagtatalak.

Parang sa mga pagbabalita rin kung minsan: habang di pa ito nilalabas sa merkado ay meron ding tinatawag na embargo, meaning ay may order mula sa mga kinauukulan na huwag muna sana maglabas ng alinmang detalye ukol rito.

So either mag-only me ka na lang na post o matuto kang manahimik at gumalang sa mga tropa mo sa paligid. O ano, tama na reklamo ha?

Ganito na lang: manood na lang kaya kayo pareho ng naturang palabas, tapos pag-usapan niyo... offline. Dahil may mga bagay na mas mahalagang ginagawa na hindi kailangan ng Internet. At mas nagkakaintindihan pa kayo sa personal kung tutuusin.

Kaka-kompyuter niyo kasi pareho yan eh. Tangina.

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!