04/12/2018 12:15:57 AM
Photo credit: ABS-CBN |
Sana ay isa lamang itong hamak na panaginip, pero hindi eh. Ops, hindi ko tinutukoy ang hiwalayan niyong mag-jowa, ang pagkawala mo ng trabaho, ang pagkaburat mo sa buhay, ang pag-diagnose ng isang malalang sakit sa'yo, at kung anu-ano pa na maihahalintulad sa isang malagim na panaginip o bangungot.
Eh ano ang tinutukoy ko? Ang pag-bili lang naman ng Grab sa operasyon ng Uber sa Southeast Asia.
Ang saklap, no? Mula nung panahon na nagsimula nang magsarado mga opisina ng Uber na obviously, ay parte na rin ng expansion move ng Grab sa naturang rehiyon, at malamang na ang Pilipinas ay isa sa mga bahagyang naaapektuhan nito. Bakit hindi?
Uber pa rin, mga ulol! Kahit malaginto na kung minsan ang surge nito, o pag sumasakay ako mula sa katimugan ng kalakhang maynila hanggang sa bandang silangan, Uber pa rin.
May mga panahon na nabuburat ako sa serbisyo na to, pero at least sa karamihan ng mga pagkakataon na gnagamit ko ang TNVS na 'to ay kahit papano, matitino ang mga sinasakyan, mula upuan hanggang aircon hanggang ultimo ang mga tunog. As in kumportable talaga at binibigyan ng halaga ang bawat presyo ng serbisyo nito. Oo, alam ng karamihan sa atin na halos 6 na piso man kada kilometro ang madalas na basehan ng pasahe kung sa distansya ang usapan. Mahal man kesa sa taxi pero mas kaya naman tiyagain kung value lang naman ang usapan.
Eh sa Grab, na onse pesos kada kilometro? Kaya ang dami namamahalan eh. Bagamat may mga pagkakataon rin na yung Grab naman ang mas mura kesa Uber.
Pero Uber pa rin, mga ulol. At least hindi sila nag-iinarte na kesyo matraffic daw o what. At kung numero ng kaso ang usapan ay hindi ganun kakups nang marami si Uber kesa kay Grab, lalo na yung mga naglipanang mga post ng diumanong panggagago ng ilang drayber nila sa social media.
Uber pa rin, mga ulol. Kahit inaaway ito ng LTFRB dahil sa mga ilang kasablayan naman ng naturang TNVS na to ('pag sinabi kasi na huwag muna magdagdag ng drayber, huwag... ang kulit niyo rin eh, napahamak tuloy kayo). Kung gusto ng paahalaan na umayos talaga ang sistema ng transportasyon sa Maynila, wag lang nila i-single out yung mga TNVS dito sa metropolitan, marami nga dyang colorum na sasakyan pero bwakanangina hindi naman masawata. Dumarami nga yung mga taxi dyan na nag-iinarte o nang-aabuso, pero hindi naman mahuli-huli nang husto.
Ika nga ng kasabihan, if you can't buy them... join them. Gaya nung nangyari sa isang paborito kong kainan nun. Gaya rin ng pagbili ng WWE nun sa WCW. Pag matindi ang kakumpitensya mo, good luck kung matalo mo siya. Pero kung may pera ka, mukhang hindi ka pa ring uuwi na talunan.
Ganun talaga ang buhay ngayon eh. Ika nga ng kanta ng Sandwich, Pera-pera LANG YAN.
Pero... Uber pa rin, mga ulol!
Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!