19 May 2018

Malanding Fanboy Problems (v. 2018)

04/29/2018 12:54:43 PM

Sumikat lang ang bandang ito, nakikiuso na kayo bigla! Well, wala namang masama talaga kung dumami ang mga tagahanga – after all, isa rin naman yan sa mga nagiging hangarin ng bawat musikero o performer, lalo na pag napansin na ng mga lehitimong kritiko na “Uy, tangina may potensiyal to na sumikat. Konting hinang pa sa mga ginagawa, andun na sila sa rurok ng tagumpay,” ganun.


At yan ang mga naging kapalaran ng mararaming tanyag na pangalan sa kasalukyan, gaya na lang ng bandang itago natin sa pangalang IV of Spades. Of course, sa usual na konteksto ng ating eksena sa musika, hindi ka basta-basta sisikat uless tunog pop yang kanta mo – at moreover, kung nakakapagsulat ka ng mga Filipino (o Tagalog) na kanta na akma rito.

Hindi ba pansinin? Kaya nga mas napansin pa sila SUD dahil sa Sila kesa Smilky, 'di ba? Kaya nga mas lumaki pa lalo ang fan base ng MilesExperience dahil sa Silakbo. At kahit puros Ingles ang Jensen and The Flips nun, eh mataba ang utak para sa songwriting tong bokalista nilang si Jensen Gomez noong Umpisa pa lang.

Samahan mo pa ng mga mala-hugot ang tema kaya ganun na lang din kapatok ng Ang Bandang Shirley sa madla.

Oo, kahit mayorya sa mga grupong yan ang may kinasangkutan pa na kontrobersiya noong nakaraang taon. Kaya hindi na rin kataka-taka na marami ang naghanap ng mga alternatibo, at ang IV of Spades ay isa sa mga kasalukyuang crop ng mga banda na kayang makapagpapuno ng mga bar at makapagpa-woo ng crowd. Lalo na't marami sa mga bata ngayon ang nakikinig salamat sa Spotify at sa kanilang pagtakas sa bahay (Hoy, magpaalam muna!) para lang makadayo ng mga gig.

Pero pustahan tayo: kahit may Ilaw Sa Daan noon na talaga namang ikinapansin na rin ng mga fans, mas pumatok sila sa tunog ngayon na ultimo nakapag-defy sa mga bata, to the extent na kada release ng kanta nila, lalong nago-grow ang demand para sa “Mundo.” At noong nai-release ito, presto, halos kahit sino naging IV of Spades fan.

Wala namang masama dun, maliban na lang kung aakto ang mga ganitong klase ng tagasuporrta na para bang mga showbiz fans na nangbabash na sa iba habang ay nasa stage nagpe-perform. Hoy, kayong mga nasa Rakrakan Festival at dun sa isang music event sa Metrrotent na ganyan ang ginawa, hindi kayo nagbayad para lang isang banda ang panoorin niyo. At kung ganun man, aba'y puta, mga burgis pala kayo ah.

At ayoko sana maging tunog-elitista, ano, pero kung naging fan ka lang ng bandang yan dahil sa sobrang glamoroso nila magrakenrol in retro, sana model na lang hinanap mo. Nagmumukha tuloy silang mga pogi rock kahit hindi naman talaga. Mas peke ka pa gaya ng mga 'binabalita' ng isang mapolitika na kampo dyan.

Siguro, kailangang malaman ng madla ang Data Privacy Act, dahil hindi kasi lahat ng usapan ay dapat nilalabas sa publiko. Aminin man natin na nagkamali din yung road manage nila (bagamat naiintindihan ko rin yung dahilan nya), hindi rin yun sapat na excuse para sa alinmang random at baguhan na fan na bigla na lang magfeeling close sa pamilya nya at mag-PM sa ermats ng bokalista – lalo na't hindi naman siya close sa alinmang miyembro ng bandang yan. Masama ba o mali ang inasal ni madam? Maari, pero kayo din ang may dahilan kung bakit.

Putangina, ang toxic niyo rin kasi. Hindi ganyan ang asta ng mga tunay at seryosong tagahanga. Mas mukha kayong mga creeper na wala nang inatupag kundi palitan ang pangalan at litrato at i-associate sa IV of Spades kahit wala naman nilang permiso at all, ilahad ang mga resibo sa internet para magmukha kayong mga balido habang inii-nvade niyo ang pribasiya nila, halos laplapin ang mga miyembro pag dumaan sa harap, i-bash ang ibang banda porket di niyo pa nakikita ang mga pinagnanasahan niyo, at kung anu-ano pa.

Baka nakakalimutan niyo na mayroong mundo ng pagkakaiba sa pagitan ng isang matinong fan at isang obsessed na nilalang, ano?

Hoy, hindi sapat ang excuse na kesyo public figure na sila. Dahil kahit umasta silang perpekto sa inyong mga mata at role model sa populasyon ng mga malalandi at matitinong fandom sa Pilipinas, mga tao rin naman tong mga idolo niyo, hindi santo at lalong hindi diyos (por diyos por santo!). Hayaan niyo muna magpahinga kung may kailangan magpahinga. Hindi rin sila robot, no. Matuto nga kayong gumalang, mga putangina naman.

Kayo ang dahilan kung bakit ang toxic lalo ng Twitter lately. Ganun na rin ang pagkapuno ng bar, which is okay sana, kaso para lang naman sa isang banda. And frankly, blang parte ng mga organizer ng mga ganap, medyo offensive yun, lalo na kung ang isang gig ay para naman sa isang banda na naglo-launch ng album nun o nagba-bar tour. Puta naman, mga pare't mare.

Mga fan ng OPM peo yan lang sinusundan?

Naku, tigilan niyo nga kami. Mga nagpapanggap. Daig pa ang poser.

P.S. At okay lang gumawa ng fan art, ano? Walang masama dun. Mas nakaka-appreciate pa nga eh. Pero kung hango rin naman yan sa larawan ng iba – at halos kopyahin mo na ang laman nito, sana naman matuto rin kayo magbigay rin ng credit, no? At hindi aangkinin na as if sarili mong akda. Napahamak pa tuloy yung isang website ng magazine sa kagaguhan mo eh.

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

1 comment:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.