Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

31 May 2018

Sila Na Naman?! (NBA Finals Na! E Ano Ngayon? v. 2018)

05/29/2018 06:12:32 PM

Photo from Bleacher Report

So... NBA Finals na ulit ngayong darating na Huwebes ng gabi (Biyernes ng umaga, oras sa Pilipinas) at live ito mula sa Oakland, California. Oo, Game 1 na.

Eh ano naman ngayon?


Malamang, 'pag ganitong season ay uso na naman ang iba't ibang klase ng tao at ang mga samu't saring reaksyon nito sa inuman session sa kanto at social media. As in naka-classify sila sa tatalong mga instant aytem: (1) bandawagon na superfan, (2) sports analyst, at (3) hater – either ng isang team/payer o ng news feed.

Oo. Sila at sila na naman! 

Mga naging instant superfan ng NBA, ilan sa mga player nito, at ilan sa mga kalahok nito, hindi dahil idol nila mga yun o mahal nila ang basketball, kundi dahil mahal nila ang pera nila. Oo, pumupusta sila. Hindi lang yan gaya ng “ending” o yung illegal na game fixing. As in simpleng pusta lang na kung sino manalo, o ilang games tatagal ang serye ng NBA Championship, o ilang puntos lamang ng kalaban, ganern.

Tanginang mga 'to. Mga basketball fan kuno eh pineperahan niyo lang naman ang mga bagay-bagay gaya ng mga 'to. Pagsasampalin ko ng isang-libong tigpipiso 'tong mga 'to eh. Mga poser! 

At dahil fan ng basketball, obviously may mga tao na aastang black and white. Ops, halos gaya ito ng “Hindi ka ka-DDS? Dilawan ka!” dahil kung hindi ka fan ng Golden State at Bitter O'tampo ka dahil olats yang manok mo sa kanila noong unang round ng playoffs ay kakampi ka na sa ibang team gaya ng Houston o Cleveland. 

Ganun dun sa vice versa at pati na rin sa ibang koponan. Well, wala namang masama kung magroot ka sa ibang team kahit pansamantala langm pero obviously ay iba ang pagiging fan sa pagiging hater. Umayos ka nga, hoy!

Isama mo na rin yung mga tao na “'Pag Finals lang nanunood.” Well, wala namang masama sa ganito, sa totoo lang. Hidni naman kasi sa lahat ng oras ay kayang tutukan ng isa ang mga bagay-bagay kahit na isa pa siyang true-blue na basketball fan. At hindi aandar dyan ang “kung gusto, may paraan,” dahil hindi nga lahat ng tao ay may prebilehiyo o kakayahan.

At uso rin ang mga tao na iritable sa ibang bagay pero panay naman ang rant sa kanila kahit sa totoo lang ay wapakels na dapat sila. As in magrereklamo ng “Ano ba yan? Panay NBA na naman laman ng news feed ko. Puro kayo basketball!”

So... hindi ka fan ng basketball? Ok lang yun, walang masama dun. Ang epsasyo mo sa social media ay parang isang malayang bansa gaya ng... well, Pilipinas. Pero naiirita ka dahil yun ang laman ng posts ng mga pinakamalalapit na kaibigan mo na lumalabas sa news feed mo sa Facebook o Twitter, at gusto mo silang i-unfriend dahil sa ganyang klaseng kababawan na halos kasing-level na ng mga spoiler alert sa mga paborito mong scripted na palabas? 

Ay, hindi na nila kasalanan yun. Ikaw nga panay kababawan, hugot at teleserye ang laman ng profile mo, pero may isa ba dyan sa mga network mo ang nagbasag-trip? Kung wala, eh 'di manahimik kang punyeta ka. Feeling mo ikaw lang dapat may-hawak sa mundo ah. 

Heh! Mas toxic pa nga yung pagiging wannabe “woke” mo eh.

At dahil ang bawat tao ay mas say na sa mga bagay-bagay, ngayong NBA Finals season ay uso ulit ang mga taong naging instant sports analyst at mga sports angal-lyst. At least ang pinagkaiba ng dalawang 'to ay simple: yung analyst, at least kahit papaano may alam siya ukol sa sport na yun, samantalang yung angal-list ay.., well, panay angal lang. As in puro reklamo sa opisyal na tawag pero hindi naman talaga naiintindihan ang mga bagay-bagay. Parang mema lang: puros rant na wala namang substansiya. Halatang may bias ang mga ganitong klase ng ungas, kahit hindi nga sila marunong mag-dribble ng bola man lang.

So natapos na ang dalawang Game 7 sa dalawang magkakontrapelong Conference Finals, ayt final dance na ng last two teams standing sa mga susunod na araw. NBA Finals na ulit!

E ano naman ngayon? Well...

Sa ikaapat na sunod na pagkakataon lang naman ay maghaharap ang Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors, ang dalawang koponan na nag-aagawan sa kampeonato. 

Oo, mas matagal pa sila nagde-date kesa sa mga naging relasyon ng ex niyo. Tangina, four years, pre.

Hindi ba nagsasawa 'tong dalawang to? Pustahan: yung ilan sa amin, surang-sura na eh. Unless na lang kung rabid fan ka ng Cavs o Warriors, dahil malamang ay makikipagbasagan ka pa rin kahit for the nth time ay wala naman talagang pake sa inyo yang mga iniidolo niyo.

Eh eight straight times na nga nasa NBA Finals tong si Lebron James eh. Nine overall, kung isasama mo yung 2007 cameo niya sa Big Dance; mantakin mo na halos kapantay na pala niya sa Bill Russel kung Finals appearance lang naman ang usapan. Pero mas marami pa rin siyang olats kesa championship rings.

Well, kanya-kanyang dikta ng destino yan.

Samantalang ito namang Golden State Warriors ay nasa pang-apat na straight na Finals appearance din. Imagine mo na lang na pagkatapos ng tatlong taon na nakapag-uwi ng dalawang Larry O'Brien trophy sila Steph Curry, Klay Thompson, Draymond Green, atbp. Yung dating head coach nga ng Cleveland Cavaliers na ngayon ay Asst. Coach na ng Warriors na si Mike Bvrown ay naka-isa din eh. 

Hindi ko alam kung malas factor ba si Andersen Varejao nun. Noong naglaro sa Cavs, hindi siya nakapanalo. Noong naglaro naman siya para sa Warriors nun ay nasilat sila ng Cavs in seven games.

Sila na naman? Oo, this time nga lang ay walang Kyrie Irving talaga sa Cavaliers. At ang mga dating Laker na sila Nick Young, Jordan Clarkson, at Larry Nance Jr. ay alinman sa dalawang team na 'to. Sino kaya makakauna sa kanilang tatlo, ano? Abangan! 

Pero Cavs at Warriors sa NBA Finals. Putangina, for the 304280949814614th time, sila na naman? OA, fourth straight year laang. Ano 'to? Fight forever na para silang Kevin Owens at Sami Zayn lang? Hindi na ko magtataka kung bakit marami-rami ang magse-speculate na parang scripted na rin sila o may mafia/game-fixing scandal dyan.

Kahit sa aktwalidad ay walang katotohanan ang mga ganyang alegasyon. Minsan, wala sa mga istatistika ng regular season ang kagalingan ng isang koponan sa playoffs, bagay na sa malamang ay tinataglay ng Cavs at Warriors. Ilang playoff appearances ba naman. Ilang manlalaro ba naman ang mga 'superstar' sa kanila. Ilang mga record na kaya ang winasak ng dalawang 'to, ano? At higit sa lahat, kahit hindi sila ang pinakamataas sa ranggo ng mga koponan sa Eastern at Western Conference ay nahigitan pa nila ang iba na obviously, ay superior kesa sa kanila.

Oo, makita mo ba naman na nasilat ang Boston Celtics sa homecourt nila noong Eastern Conference Finals Game 7 eh. The streak is over, ika nga. Tapos ang 10-game winning run sa TD Garden para sa Playoffs. Ang masakit nga lang dun ay literal na go home sila matapos ang 87-79 pagkatalo sa Cleveland Cavaliers. I guess with youth comes inexperience. 'Di bale, tong mga batang 'to ay may napakaliwanag na kinabukasan (ang awkeward kung hinaharap porket future din yun pag in-Ingles) sa NBA.

And kung bakit parang ang daming napaka-kwestiyunableng tawag sa Game 7 ng Western Conference Finals. Nakakaloka. Sa totoo lang, dapat panalo na Houston Rockets dun eh. Kaso may aral sila na dapat matutunan: Pag hindi nagwo-work, huwag pilitin. Yan, tres nang tres kasi. Hindi nga duguan pero nasayang pa rin ang 3-2 lead. 

For sila na naman? La tayo magawa dyan. Kahit nakakasawa na rin kung minsan, 'Wag ka na lang manood kung hindi mo trip. There's more basketball to life than NBA... pero hindi PBA ang tinutukoy ko dito ha?

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!