Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 June 2018

Catfight of The Year?!

06/10/2018 11:00:58 PM

Photo from MSN/LionHearTVB
Kris Aquino versus Mocha Uson? Fake news vs. Fake acting – well, sabi ng iilan.


Wohoo. Catfight of the year na ito! Dalawang mga maiingay na personalidad ba naman ang nagsabong eh. Dalawang kontrobersyal na mga tao sa kani-kanilang pamamaraan at panahon.

Yung isa ay naging matunog dahil sa tahasang pagsuporta sa kanyang kandidato hanggang as pagkapanalo – habang tinutuligsa ang mga kalaban ng kanyang kampo sa parehong mga pagkakataon. Ang isa naman ay di hamak na mula sa isang angkan ng mga pulitko sa Pilipinas pero tila naging open book na ang buhay mula pa noon – mula sa buhay-showbiz hanggang sa pribadong mga bagay gaya ng pamilya, relasyon at alinman sakalooban ng mga ito.

Yung isa ay diumano tinaguraiang purveyor ng fake news dahil sa samut saring mga artikulo na kinalat nito. Habang ang isa naman ay tinaguriang queen of talk at philippine media dahil sa halos walang isang araw na lumilipas na siya ang laman ng media – advertising man, pag-arte o pag-host sa telebisyon at pelikula o exposure lamang sa balita. At isama mo na rin ang pagiging taklesa niya na either nagpapaingay sa pangalan niya in a good way o nakakapagpahamak.

Ngunit teka, sa panahon na ito ay tila pareho na silang taklesa ah.

Either way... asan na ang popcorn? Kailangan na ng sumasabog na media publicity ang dalawang ito. 

Well, actually, matindi na nga eh. 

Weh? As if naman hindi pa sapat ang nakukuha nilang atensyon e no? Not hating on these two ano, pero putangina naman, ang dami pa yatang isyu na mas okay pag-usapan pa kesa sa dalawang to na nag-aaway na sa social media. Tapos nagbabatuhan pa ng mga short video na akala mo ay promo nila Miz at Baron Corbin noong Survivor Series last year. Sagot ng isa, resbak naman ng kabila.

Teka, na-overshadow ata 'to yung halikan as Korea na naging ugat ng mga 'to – as in labasan ng baho. Yung isa, unbecoming daw ang act kahit na kusa ito sa harap ng media; ang kabila naman ay nagnakaw. Pero alam naman siguro ng bawat isa kung ano ang tama dun, ano?

Hindi ito usapin ng double standard. Pare-pareho silang may pinaglalaban pero obviosuly, kanya-kanyang interes lang din naman. Akala mo, para sa bayan e no?

At sa malamang kahit magsorry na ang pangulo sa mga akto ng kasapi ng kanyang administrasyon ay hindi ito mapipigil kagad ang init sa pagitan ng dalawang ito. Baka nga kahit magkaroon pa ng media blackout eh.

Hay, ewan. Kung catfight lang naman ang usapan, e yung trio na lang yun ang papanoorin ko.

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!