06/08/2018 02:15:30 PM
Nakakainsulto na lang palagi ang mga laman ng mga balita nitong mga nakaraang mga araw. May awayan ng dalawang kontrobersyal na mga pulitikang artista, may bangayan sa pagitan ng mga band, may tinira na self-entitled na poser sa social media...
At ito. Hanggang saan aabot ang sampung libo mo?
Sabi ng National Economial and Development Authority (NEDA) ay sapat na diuamno ang sampung libong piso para mabuhay ang pamilya na may limang miyembro sa loob ng isang buwan.
Ops. Teka, teka. Pamilya na may laman ng isang couple o mag-asawa, tapos tatlong anak, kasya sa 10K na budget? Nanggagago ka ba?
Hindi raw. Aniya, ang ilan sa mga maaring pagkasyahin sa loob ng isang buwan ay: PhP3,834 para sa pagkain at inumin, PhP1,288 para sa rentang bahay, PhP2,204 para sa mga basic utility (kuryente, tubig at gas), at PhP293 para sa gamit at sapatos.
Photo credits: Twitter, GMA News |
Tangina. Seryoso ba 'to? Teka, sinu-sino ba sinurvey nito? Ni ultimo yung mga illegal settler parang hindi maniniwala dyan sa sinasabi niyo, ano? Parang hindi accurate sa ilan eh.
Sobrang dalang na lang kaya sa numero ka makakita ng rerentahang bahay na mas mababa pa sa limang libong piso. Kung hindi sobrang dalang, wala at all. At kung ke-kwentahin pa yung halaga para sa pagkain at inumin, hindi pa aabot sa trenta pesos ang halaga ng pagkain ng bawat isa kada araw – at kung tatlong beses ka lang kung kumain sa isang araw, PhP 8.52. Pucha, kulang pa pambili yan para sa isang pakete ng instant noodles o pancit canton ah.
Nakakaloka ha.
Ayon naman sa naturang ahensya, nais lamang nilang ipakita kung paano mabubuhay ang isang pamilya na kumikita ng minimum wage sa gitna na rin ng kasalukuyang inflation rate.
Talaga lang ha? O baka naman publicity stunt 'to, para kunwari relevant kayo? Ok sana kaso parang 3-6 months lang yang pinagsasabi niyo. O para din yung magpapasagasa MRT pag palkpak lalo MRT. Tanginang yan. Magpaka-realistic naman tayo, 'uy!
Totoo siguro 'to kung noong 1980s pa ang bashean ng mga pigurang ito.
Pero ang kambyo naman ng NEDA ay hypothetical lamang ang mga bnasabing numero at binase ang mga ito sa halaga ng sahod sa consumer price index ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2015 at hindi pa kabilang dito ang mga posibleng halagang gastusin sa kasalukuyan dala ng pagpapairal ng bagong Tax Reform Law.
Easy lang daw kasi tayo.
Leche. Hirap na nga gumastos mga tao ngayon dahil sa taas ng presyo, TRAIN law at kung anu-ano pa. Tapos ganyan pa maririnig mong balita? Sinong hindi maiinsulto?
Mabuti pa siguro na magsimula na tyao mag-ulam ng asin, no?
Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!