06/02/2018 11:01:48 AM
Ito ang nangyari: wala nang limang segundo ang natitira sa fourth quarter, nai-tabla na sa isang free throw ang talaan ng mga puntos, nagmintis sa pangalawa yung kakapmpi mo at nasaktuhan mong nakuha ang bola – na sobrang crucial sa punto noon.
Ano ang gagawin mo? Hahanap ka ba ng espasyo at tatawag ka ng timeout? O magti-tip in ka o follow-up na layup o short-range na jump shot para makaiskor at either mapwersang tumawag na timeout ang kalaban o maghimutok na lang kung 00.0 na ang nasa timer?
O uubusin mo ang oras, na akala mo ay lamang kayo ng isa?
Mukhang nagkamali si pareng JR Smith ah. Maling-mali. Sa sobrang mali ay tahasang naexpose na naman ang mala-beast mode face ni Lebron James for the 84120417th time. Naging subject pa sila ng mga meme na biglang sumulpot in no time – as in bago pa nga mag-overtime.
The face says it all. (Photo credits: NBA/AFP) |
Kawawa naman kasi ang Cleveland Cavaliers, lalo na ang kaisa-isang taong nag-ambas ng halos kalahati sa buong team score nito. After nung bluff na yun, ayun, hindi na nakabawi sa OT at Nalubog sa kumunoy. Ikaw ba naman ang bumuslo ng 51 points, nagkamada ng 8 rebound at 8 assist, para lang matalo sa overtime dahil sa isang blunder sa regulation na sana ay nagkaroon pa ng tiyansa na maka-first blood sa NBA Finals ngayong 2018 eh. Sinong hindi mabuburat dun, di ba?
Malamang sa malamang ay halos wala ito sa kalingkingan ng mga malalakihang sablay sa isang championship game sa basketball gaya ng biglang timeout ni Chris Webber, atbp., pero hindi makakaila na ito na ang sa malamang ay pinakamalaking balita na pag-uusapan – mas malaki pa kesa sa pagkapanalo ng Golden State Warriors sa Game 1, ng biglaang nagbasagan sa court na sila Draymond Green at Tristan Thompson, ang flagrant foul 2 sa naturang Cavs player na yan at baka nga ng iba pang mga sususnod na mangyayari sa NBA Finals.
Oo, dahil ang hihilig natin yung akto ng pag-magnify sa mga mali, lalo na kung “malalaking bagay” ang mga pagkakamali nito. Akala niyo maliit na bagay ang hindi pala. Hindi siya rookie mistake dahil sa malamang ay beterano na yung nakacommit nun.
Malamang sa malamang ay boy gatong din tong reporter na 'to kuing saan ay tila paulit-ulit na lang ang tanong at halatang naghahanap ng gulo para may maikwento sa kanyang pahayagan. Smart move, tsong, pero mas smart yung walkout ni LeBron sa puntong ito. Yan ang problema sa ilang hanay ng mga nasa fourth estate, igo-glorify ang isang tao at pag sikat na hahanapan naman ng butas at pag nakakita ng isa, tatahasang tatampalin ang mga 'to para gawan ng kontrobersiya.
Mabalik tayo sa pinakaugat ng isyung ito. Alam pala ni JR Smith na lamang isa. Tinakbo pala ang bola at hinahantay ang mga kasamahan na tumawag ng timeout. Pero bakit hindi rin siya mismo ang kumilos sa pamamagitan ng pagtawag nito?
Breaks of the game din kasi yan. Maaring natuliro siya, o napraning. Kahit sabihin pa na “Sus, eh nasa Finals ka na nga sa nakalipas na mga taon, hindi mo pa rin alam ang gagawin mo?!” Bakit, akala mo ba sa lahat ng oras ay mataas ang composure, EQ at IQ ng isang atleta, lalo na pag clutch moments? Tao pa rin sila, 'uy! At kahit alam nilang gagawin nila hindi pa rin sigurado kung magwo-work kaya kung minsan ang ending ay “fucked up” sila at sila pa ang nasisi – hindi man ng kanilang mga kampi o kahit kalaban – kundi ng mga tao na nanonood ng naturang laro.
Tignan mo nga, kahit ganun ang inisyal na reaksyon ay hindi rin masasabi ng superstar forward na yan ang anumang nasa isip ni LeBron, dahil kahit sabihin pa na “woo, press release lang yan!” ay hindi mo rin naman kasi kontrolado ang mga galaw ng ibang tao.
At sinuwerte din ang Warriors dun kahit papaano, ayon kay Steve Kerr. Well, sa moment na yun ha, hindi dahil sa isang 13 anyos na Fil-AM singer na kumanta ng national anthem ng US bago magtip-off (tanginang Pinoy Pride yan, kahit saan na lang ipipilit yan).
Actually, hindi siya suwerte. Deserve nila na manalo matapos ang matinding pukpokan sa 53 minuto ng basketball. At madalas, ang nakaka-1-0 pa naman sa serye ay siyang most likely nananalo. Oo, sa kabila ng malahalimaw na konrtibusyon ng kalaban mo, nanalo kayo? Hindi lang swerte yun, tsong. Ang tindi ng effort ng Splash Brothers, eh.
Yun nga lang, olats na si Javale McGee pagdating sa Shaqtin a Fool MVP award.
Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!