09 June 2018

UDD Fan Kuno?!

06/06/2018 08:41:23 AM

Hindi ako fan ng Up Dharma Down – o mas pansinin bilang UDD. At malamang aaminin ko rin na hindi ko ganun kagusto ang musika nila, maliban sa mga iilang mga kanta na naririnig ko ng ilang beses mula noong sumikat sila (and to be fair, magaganda sila – sapat para maging bahagi ng playlist ko).


Ngunit sa totoo lang, wala akong bayag na gawin ang rant ni Rex Arenas. At bakit ko gagawin, porket hindi ako pinansin ng ilang tao na hinahangaan ko man sa eksenang ito o hindi? Ganun ba sila kaimportante sa akin eh hindi naman manager ako ng isang BPO company? Masyado ba akong pa-importanteng tao na dapat ay sa akin lang umiikot ang mundo? Puta, ang selfish ko naman, 'di ba?


Okay na nga rin sana yung sinabi mo na fan ka kahit dalawa lang ang alam mo na kanta. Malay mo, masundan pa ng marami, 'di ba? Pero dahil sa pang-isnab sa'yo ay na-unfan ka na bigla. At once na naganun ka, 9 times out of 10 ay hindi ka na maa-amaze sa performance nilakahit gaano ka kagarbo o kaganda yan. 

Subalit mukhang sa tanang panahon yata ng pagiging 'huge fan' mo ay hindi ka man lang nag-explore ukol sa craft nila? Eh may internet ka naman. Hindi naman siguro isang rural na lugar ang Davao, 'di ba? At malamang ay nakanood ka naman siguro―kahit ni minsan lang―ng alinman sa mga pelikula at palatuntunan sa telebisyon na tinampok bilang soundtrack ang alinman sa mga kanta ng UDD.

At kahit pa sabihin mo na uma-attitude sila, pre, lahat tayong mga tao ay may kanya-kanyang attitude, ano. Bago mo punahin ang pagiging 'primadonna' nila, tignan mo din sarili mo sa salamin. 

Pero bago ka magmaktol, alalahanin mo na tao rin sila. Hindi diyos, santo, robot, lalo namang superhero – kahit ilagay o pa ang mga supervillain gaya ni Thanos. Napapagod at napupuyat din sila mula sa biyahe at sa iba't ibang mga gawain. Isa ka lang sa libu-libo o mulyun-milyon na tao na tinugtugan nila, kaya kung ganyan ang asta mo, hindi ka kawalan. 

Lalong hindi excuse ang pagiging tropa mo yung isa sa mga producer ng event para lang tinagalain ka nila at pagbigyan ka sa mga pabor nila. Hoy, kung minsan nga, kahit iilang tao na producer o organizer mismo ay hindi humihingi ng piktyur sa mga inimbitahan nila na artista o musikero eh. Low-profile ba? Maaring ganun nga. Pero at least hindi nagpapakasocial climber (in a bad way).

At kung medyo nairita ka at nagreport ka sa Facebook dahil may nag-rebut lang naman sa mga nirarant mo, ang sa lagay ba eh napikon ka sa mga pinagsasabi nila pabalik sayo? Eh kung ikaw ba naman nagpasimuno ng gulo eh. 

'Di ba? Wag ganun, 'tol.

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.