Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

21 June 2018

“Unpopular Opinion” mo mukha mo!

06/02/2018 11:49:49 AM

Sa mundo ngayon, kahit sino ay may boses na at may karaptang maglahad sa mundo – bagay na ganun naman talaga dapat in the first place. Hindi lamang ito usapin ng bill of rights, kundi isang basic human right. Lalo nas't may teknolohiya, may internet, at higit sa lahat...social media.



At kahit ang pangit ng dating kung minsan, may say na rin kasi tayo sa lahat ng bagay – kahit doon sa mga hindi natin tahasang naiintindihan. You know what I'm saying?

Lahat ay may kanya-kanyang opinyon. At sa panahon ngayon, halos lahat ay tila may pinapanigan. Sa mata nila, walang grey area – parang yin at yang lang. Kung hindi ka kasapi ng madlang pipol o dabarkads, ay isa kang parte ng minorya at ang alinmang kuro-kuro mo na taliwas sa nakararami ay isang unpopular opinion.

Ah, talaga? Alam mo, “Ang pinakaunpopular opinion ko lang ay mas gugustuhin kong magbitaw ng kuro-kuro at wala akong pake kung may sasang-ayon sa akin o hindi, lalo na mula sa mayorya na puros na lang teleserye inaatupag at haluan ng kulay-politika at showbiz ang mga bagay-bagay – at wala akong pake kung may Dilawan o ka-DDS pa na tumaligsa.” Yan ang halimbawa ng isang opinyon.

At take note: hindi ko ginamit ang salitang 'unpopular.' Bakit? Eh paano pala kung marami – as in sobrang dami pala sa lupon ng mga tao ngayon – pala kayo na ganyan din ang perspektibo na sinasabi? Unpopular ba yun? Obviously, hindi.

Kung tutuusin, sadyang subjective ang mga opinyon – kahit pa sabihin mas okay kung may back-up ka na facts kung sa mga seryosong paksa ang usapan gaya ng politika.

Tanginang unpopular opinion yan. Gagawa na lang talaga ng pamamaraan ang mga tao para lang may mapag-usapan, e no? Okay sana, pero... unpopular opinion talaga? O sige, sinong tanga ang maniniwala pag nakakulimbat ka ng libo-libong like at retweet sa kaka-unpopular opinion mo? Famewhore moves ka din e no?

Ahh, kasi hindi naman lahat ay gumagamit ng Twitter. Hindi kasi lahat ng tao ay nasa social media, at kung ikukumpara mo yang mga numero sa Twitter analytics nila ay isang katiting na maliit na bahagi lamang itong kabuuan ng mga user ng Twitter sa Pilipinas.

Asus, give me a break! Sa kaka-unpopuolar opinion mo, ayan sumikat tuloy na para bang yung hinahanggan mong thespian o banda na sa sobrang galing ay may tiyansa siya na sumikat sa mainstream pero ikaw yung tao na “please wag kayo maexpose sa mainstream.”

Kingina naman oh.

Walang tao na naging cool o hipster sa paglalahad ng unpopular opinion niya. Lalo, wala rin namang nagkaroon ng sariling editoryal sa Twitter dahil sa kakagawa ng mga thread mula sa isang tao na obviously ay mapagpanggap na isang sikat na personalidad. Unpopular opinion niyo mga mukha niyo.

Mas gugustuhin ko pang makabasa ng mga tao na talagang may sariling pananaw at wala siyang pake kung may papanig sa kanya o wala. As in “just my opinion” lang. At least yun, may pagkatotoo, authentic, mas personal, at may kredibildad pa kahit papaano. Minsan nga, wala yan sa kung kayang panindigan (pero mas okay pa rin kung ganun madalas) as long as ang mga sasabihin o sinabing saloobin niya ukol sa mga bagay-bagay ay galing talaga sa kanya na walang halong pretensyon o pangamba na ikokondena siya o madaming magsasabi na “relate” sila sa sinabi niya.

Oo, “unpopular opinion” mo mukha mo!

Author: slickmaster | © 2018 The SlickMaster's Files

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!